Monday , October 2 2023

6th OFW and Family Summit dinagsa

BUO ang paniniwala ni Senador Cynthia Villar, director ng Villar SIPAG, isa sa mga sagot upang manatili sa bansa ang isang overseas Filipino worker (OFW) kapiling ang kanyang pamilya ang patuloy na paglulunsad nila ng OFW at Family Summit.

Ito ang isa sa mga bi-nigyang diin ni Villar sa kanyang pahayag sa pagdalo sa 6th OFW and Family Summit na pina-ngunahan din ng Go NEGOSYO.

Ayon kay Villar hindi dapat masayang o mauwi sa  wala ang lahat ng naipon o iuuwing salapi ng isang kababayan nating OFW.

“Our workers should be guided properly on how to spend their savings and what kind of businesses they can invest in to grow their income. Sayang naman ang mahabang panahon na sila ay nagtrabaho sa ibang bansa kung ma-pupunta lang sa wala ang kanilang ipon,” ani Villar.

Naniniwala si Villar, bukod sa mahalagang papel na ginagampanan ng pamahalan sa buhay ng isang OFW ay mahalagang magabayan sila sa kanilang dapat na buhay sa bansa upang sa ganoon ay manatili ang kanilang pananalapi, lalo pang lumaki ang ipon at hindi na makaisip na mangibang bansa.

Iginiit ni Villar, dapat ay magtulungan at magkaisa ang bawat isa lalo na ang pamahalaan at ibang mga pribadong kompanya sa pagbibigay ng hanapbuhay, kabuhayan o trabaho sa bawat OFW na nasa bansa at maging sa kani-kanilang pamilya.

Tinukoy ni Villar, bukod sa pasahe sa pagbabalik sa bansa na ipinagkakaloob nila sa mga OFW na humihingi sa kanila ng tulong, ay pinagkakalooban din sila ng panimulang negosyo o puhunan katulad ng sari-sari store.

( NIÑO ACLAN )

About Niño Aclan

Check Also

SM 65 1 Feat

Experience Super-Sized Fun at SM’s 65th Anniversary this October

It’s October and it only means one thing at SM Super-Month! Suit up for some …

JUMPER BOY SA R-10 TONDO

Perwisyo sa mga trak atbp motorista JUMPER BOY SA R-10 TONDO KALABOSO!

HIMAS-REHAS ang isang 23-anyos “Jumper Boy” na siya rin nag-viral kamakailan nang akyatin at pilit …

arrest posas

2 kilabot na holdaper arestado gamit na gun replica kompiskado

NABAHAG ang buntot ng dalawang kilabot na holdaper nang pagsalikupan sila ng mga nagrespondeng pulis …

Bulacan solar-powered irrigation system DA NIA

Magsasakang Bulakenyo makikinabang sa 3 solar-powered irrigation system ng DA-NIA

MALOLOS CITY – Tinatayang 1,434 magsasakang Bulakenyo ang makikinabang sa katatapos na tatlong solar pump …

lovers syota posas arrest

Magdyowang tulak, dinamba sa drug bust

SWAK sa selda ang live-in partners na sinabing tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *