Thursday , June 4 2026

SSS pension hike veto override lumakas sa Kamara

NADAGDAGAN pa ng suporta ang resolusyon na naglalayong i-override ang veto ni Pangulong Benigno Aquino III sa SSS Pension Hike Bill.

Kamakalawa ng gabi ay umabot na sa 103 ang bilang ng mga kongresistang lumagda para rito.

Ngunit kapos pa rin ito para abutin ang kailangang 192 pirma para maisakatuparan ang override.

Sa kanyang privilege speech, muling nakiusap si Bayan Muna Party-list Rep. Neri Colmenares sa mga kapwa niya kongresista na suportahan ang kanilang resolusyon.

Ayon sa kongresista, ang dagdag pension ay hindi lamang isyung pang-eleksiyon kundi napakahalaga nito para sa senior citizens na hirap ngayong makabili ng gamot at makakain nang maayos dahil sa kakapusan nang mapagkukunan ng pinansiyal na tulong.

Iginiit niyang hindi totoong malulugi ang SSS kung ibibigay ang P2,000 dagdag pensiyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …