Wednesday , August 10 2022

Hirit na extension sa voters’ registration ibinasura ng SC

IBINASURA ng Supreme Court (SC) ang hirit na palawigin pa ang voters’ registration para sa 2016 elections.

Sinabi ni SC spokesman Theodore Te, walang merito ang inihaing petisyon ng Kabataan party-list.

Hiniling ng nasabing grupo na palawigin hanggang Enero 2016 ang pagpaparehistro ng mga botante.

Ayon sa petitioners, ilegal ang itinakda ng Commission on Elections na deadline noong Oktubre 31.

Nabatid na higit isang taon ang ibinigay na palugit ng Comelec para sa mga botante para magparehistro at makuhaan ng kanilang biometrics data.

Ngunit halos tatlong milyong botante pa ang walang biometrics data.

Una nang nagpalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema laban sa “No Bio, No Boto” policy ng Comelec.

About Hataw News Team

Check Also

P120-K shabu nasabat live-in partners nasakote

P120-K shabu nasabat live-in partners nasakote

NASAMSAM ang P120,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa live-in partners sa ikinasang drug buy …

Sa Rizal P1.1-M DROGA NASABAT 6 HVI SWAK SA SELDA

Sa Rizal
P1.1-M DROGA NASABAT 6 HVI SWAK SA SELDA

DERETSO sa kulungan ang anim na nakatalang high value individual (HVI) makaraang makompiska sa kanila …

dead gun police

Kaanak ng suspek sa Ateneo shooting  itinumba

PINASLANG ang isa pang kaanak ng suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila University na …

Bulacan Police PNP

3 wanted criminal nasakote, 6 astig na pasaway lumambot

ARESTADO ang tatlong indibidwal na pinaghahanap ng batas at anim na iba pa sa ikinasang …

PNP PRO3

23 sugarol timbog sa Central Luzon

SA PAGPAPATULOY ng PRO3 PNP sa kanilang hakbang laban sa illegal gambling, iniulat ni Regional …

Leave a Reply