Mamasapano massacre probe muling buksan — Marcos
Niño Aclan
November 11, 2015
News
MULING nagpahayag ng suporta si Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., sa panawagang buksang muli ang imbestigasyon ng Senado sa malagim na Mamasapano massacre noong Enero 25, 2015 na ikinamatay ng 44 commando ng Philippine National Police – Special Action Force.
Nitong Lunes, hiniling ni Minority Leader Juan Ponce Enrile ang muling pagbubukas ng imbestigasyon sa committee level dahil gusto niyang bigyan ng liwanag ang isyu, partikular sa kung ano ang ginawa ng gobyerno habang nagbabakbakan ang tropa ng SAF at mga rebeldeng Moro.
“Para sa amin, kung ito ang magdadala ng kataru-ngan para sa pamilya ng mga nasawi na SAF 44, mabuti na rin iyan para maibalik sa pag-iisip ng ating mga kababayan kung anong nangyari,” ayon kay Marcos sa panayam kay dating Sen. Orly Mercado sa kanyang programang “Orly Already” sa Radyo 5.
“Maaari talagang buksan muli ang imbestigasyon ng Senado sa insidente dahil hindi pa natalakay sa plenar-yo ng Senado ang committee report dito at may kara-patan ang sino mang senador na magtanong tungkol sa mga ulat ng ano mang komite,” paliwanag ng Senador.
Iginiit ni Marcos, mahigit siyam na buwan na ang nakalipas makaraan ang malagim na insidente ngunit hanggang ngayon ay wala pang nasasampahan ng kaso sa korte sa kabila ng pangako ng gobyerno na bibigyan ng katarungan ang mga namatay sa insidente.
“Katarungan lamang at wala nang iba pa ang ta-nging hiling ng mga pamilya ng SAF 44,” ayon kay Marcos.
“Hindi gaano iyong benepisyo, iyong scholarship, iyong mga kung ano-ano pa, sabi nila, huwag sana kalimutan ang kanilang namatay na ama, na kapatid, na anak, na asawa. Ito ang tanging layunin siguro ng Senado na ma-bigyan nga ng katarungan lahat ng mga naiwan na pamilya ng SAF 44.”