Monday , September 25 2023

LP candidate sa Antipolo sugatan sa ambush (Sa bisperas ng CoC filing)

NILALAPATAN ng lunas sa ospital ang 44-anyos Liberal Party councilor candidate sa 2016 election, makaraang pagbabarilin ng riding in tandem kamakalawa ng gabi habang patungo sa local party meeting sa Antipolo City.

Kinilala ni Supt. Godfredo Kinhude Tul-O, chief of police, ang biktimang si Macario Semilla y Paraiso, 44, nakatira sa Villa Leyva, Compound, Brgy. Sta. Cruz ng lungsod.

Dakong 6:30 p.m. nang tambangan ang biktima ng mga suspek na sakay ng motorsiklo. Nang maispatan ang tricycle na sinasakyan ng biktima sa Monterosas Executive Subd., J.P. Rizal Ave. sa lungsod ay niratrat ang kandidato sa ulo at katawan.

Naniniwala ang anak ng biktima na si Kenneth na may kaugnayan sa politika ang tangkang pagpatay sa kanyang ama.

Saantala, dalawang lalaki ang inimbitahan ng mga awtoridad para imbestigahan makaraang mamataan sa ospital na kahina-hinala ang kilos.

About Ed Moreno

Check Also

Robin Padilla

Sen Robin ‘di iiwan ang Senado

HATAWANni Ed de Leon PINAGRE-RESIGN din ng mga social media hacker si Sen. Robin Padilla dahil daw …

SM Foundation Health Medical Mission Butuan Davao Feat

SM Foundation naghatid ng tulong medikal sa Mindanao

Mahigit 1,000 benepisyaro mula sa Butuan at Davao City ang nakatanggap ng libreng medical at …

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

THE Department of Science and Technology (DOST) Region XII celebrated for three days from Sept. …

My Plantito Kych Minemoto Michael Ver

My Plantito fan meet dinaluhan ng mga Pinoy BL community at iba pang tagapagtangkilik

NAGKAROON ng pagkakataon ang mga masugid na tagapanood ng kauna-unahang BL (Boy-Love) na serye ng …

Aiko Melendez Eddie Garcia

Aiko dapat nang ipasa ang ‘Eddie Garcia’ bill 

HINIMOK ni Quezon City Councilor Aiko Melendez ang Senado na ipasa ang tinatawag na “Eddie Garcia” bill, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *