Wednesday , September 11 2024

5 tiklo sa resto robbery at bus holdap

042015 arrest prison

LIMANG lalaking sangkot sa panloloob ng isang restaurant at tangkang pagholdap ng isang pampasaherong bus ang inaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkahiwalay na pagsalakay kaugnay sa “Operation Lambat Sibat” ng Philippine National Police (PNP).

Sa ulat kay Chief Supt. Edgardo G. Tinio, QCPD Director, ang mga nadakip ay sina Joven Valeza, 32, Eric Simbulan, 29, Johnny Ricky Serrano, 32; Danreb Villarta, 38, at Bernabe Tayong, 35-anyos.

Ayon kay Supt. Dario Anasco, hepe ng QCPD La loma Police Station 1, si Valeza ay naaresto ng kanyang mga tauhan sa kanyang bahay makaraan ituro ng isang saksi na siya ang nanloob at nagnakaw ng P85,000 cash sa Tapa King sa Brgy. Sto. Domingo, Quezon City nitong Agosto 23, 2015, dakong 7 p.m.

Sa imbestigasyon, si Valeza ay dating empleyado ng Tapa King.

Samantala, sina Simbulan at Serrano ay nadakip ng QCPD Station 5 sa Regalado Avenue makaraan itawag sa estasyon na kahinahinala ang kanilang ikinikilos. Nang hulihin ang dalawa, nakompiskahan sila ng kalibre .38 at balisong.

Habang sina Villarta at Tayong ay naaresto sa tangkang pagholdap ng Everlasting bus nitong Agosto 22, 2015, dakong 10:40 pm, sa harapan ng National Kidney Institute sa East Avenue, Quezon City.

(ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Cebu

Cebu mayor Rama pumalag vs pagpapakalat ng maling info ng isang opisyal ng lungsod

MARIING kinondena ng kampo ni Cebu Mayor Michael Rama ang ipinapakalat na balita ng isang …

Quiboloy sumuko

Sa 24-oras ultimatum ng PNP
QUIBOLOY, 4 PA SUMUKO

IMBES arestohin, binigyan ng pagkakataong sumuko ng mga awtoridad ang puganteng pastor na si Apollo …

Dragon Lady Amor Virata

Alice Guo feeling artista

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMI ang nakapuna nang matagpuan ang kinaroroonan ng sinibak …

Arrest Posas Handcuff

Sa Bacolod
Lalaki nang-hostage ng sariling pamilya, sinakote ng pulisya

ARESTADO ang isang 38-anyos lalaki matapos bihagin ang kaniyang sariling pamilya sa bahay ng kaniyang …

SSS Cellphone

SSS nangakong magbibigay ng social security protection sa mga barangay official

ITINULAK ni Social Security System (SSS) President at Chief Executive Officer Rolando Macasaet ang pagiging …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *