Saturday , April 20 2024

Masonry Layout

Obrero kritikal sa saksak ni kompadre

KRITIKAL ang kalagayan ng isang obrero makaraan saksakin ng nag-amok na kompare habang nag-iinoman sa binyagan kamakalawa ng gabi sa Ma-labon City. Ginagamot sa Tondo Medical Center ang biktimang si Stephen Justo, 35, ng 167 M. H. Del Pilar St., Brgy. Tinejeros ng nasabing lungsod, sanhi ng dalawang tama ng saksak sa likod. Habang pinaghahanap ang suspek na si Jonito Rondina, nasa …

Read More »

Tacloban airport winasak ni Ruby (Tent City iwinasiwas)

WINASAK ng Bagyong Ruby ang bagong gawang Tacloban City Airport. Magugunitang unang winasak ng bagyong Yolanda ang naturang paliparan noong nakaraang taon, at sa paghagupit ngayon ni Ruby, inilipad ang bubong ng arrival at pre-departure area ng airport. Bumagsak din ang kisame at roll-up door, at pinasok ng baha ang pre-departure area. Sinabi ni Civil Aviation Authority of the Philippines …

Read More »

P498-M pinsala ni Ruby sa agri

TINATAYANG umabot na sa P498 million ang pinsala ng bagyong Ruby sa agrikultura. Ayon sa Department of Agriculture, inisyal pa lamang ito na pagtaya at madadagdagan pa. Galing pa lamang ang data sa Region 5 at 8. Napinsala ang mga tanim na palay at mais doon Sa fisheries, nasa P112 million ang pinsala sa Region 5 at 8.

Read More »

206 flights kanselado

UMAABOT sa 206 ang mga nakanselang flight kahapon dahil sa bagyong si Ruby. Ayon sa ulat ng Manila International Airport Authority (MIAA), 96 sa mga ito ay domestic flights na paalis, 98 ang parating, habang 10 patungo sa ibang bansa, at 11 parating, ang hindi na rin pinayagang makalipad. Kabilang sa mga naapektuhang lokal na byahe ay patungo at galing …

Read More »

Klase sa M.M. karatig lalawigan suspendido

SINUSPINDE ang klase sa ilang lugar sa Metro Manila at karatig lalawigan ngayong Martes, Disyembre 9 dahil sa inaasahang pananalasa ng Bagyong Ruby. Kabilang sa mga lokal na pamahalaang nagkansela ng pasok sa lahat ng antas, ang Quezon City, Parañaque, Marikina, Valenzuela, Navotas, Pateros, Malabon, Mandaluyong, Muntinlupa, Rizal, Batangas, Cavite, at Calapan, Oriental Mindoro.

Read More »

TF Ruby itinatag sa Maynila

NAGTATAG ng Task Force Ruby ang Maynila para sa inaasahang pananalasa ng Bagyong Ruby sa lungsod. Ayon kay Manila Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) chief Johnny Yu, 24 oras na handa ang task force sa coastal areas partikular sa Manila Bay, Baseco Compound, Parola at Happy Land, gayondin sa mga tabing-ilog gaya ng Sta. Ana at Sta. Mesa. Tiniyak …

Read More »

‘Wag kampante kay Ruby (Malacañang nanawagan)

NANAWAGAN ang Malacañang sa publiko lalo ang mga taga-Metro Manila, na huwag munang pakampante sa bagyong Ruby. Ito ay sa kabila ng pag-downgrade ng Pagasa sa bagyo at walang masyadong naiulat na malaking pinsala. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, dapat samantalahin ang suspensyon ng klase at trabaho sa paghahanda sa paparating na bagyo. Ayon kay Valte, maging sila …

Read More »

Dagdag relief supplies ibibiyahe ni Gazmin (Tiniyak ni PNoy)

INATASAN ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III si Defense Secretary Voltaire Gazmin na bumiyahe para magdala ng karagdagang supplies at equipment sa Borongan, Eastern Samar katuwang ang National Government Frontline Team. Samantala, ang Frontline Team na pinangungunahan ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ay nakarating na sa Dolores, kung saan unang nag-landfall ang bagyong Ruby. Sinabi ni Presidential …

Read More »

MM alertado kay Ruby

ISINAILALIM sa heightened alert status ang 11 lugar sa Metro Manila kaugnay sa paghagupit ng Bagyong Ruby. Inaasahang dakong 8 p.m. hanggang 9 p.m. kagabi mararamdaman ang epekto ng bagyo. Kabilang sa naka-heightened alert ay ang mga lugar ng Las Pinas, Manila, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Pasay, San Juan City , Pasig City, Navotas City, Paranaque, Quezon City, Taguig, …

Read More »

3 tepok sa kotse vs motorsiklo

PATAY ang driver at dalawang angkas nang salpukin ng isang kotseng nag-overtake ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Manila-Cavite Road, Brgy. 8, Dalahican, Cavite City, kahapon ng umaga. Kinilala ni Cavite Provincial Director, Sr. Supt. Jonnel Estomo, ang mga biktimang namatay na sina Norman Gavilla, ng Sitio Maguyam, Silang, Cavite; Albert Bobadilla, 36, ng Brgy. 7, Amaya, Tanza; at ang driver …

Read More »

22 patay kay Ruby — PRC

MABOT na sa 22 katao ang patay sa pananalasa ng bagyong Ruby sa Eastern Visayas at sa Western Visayas region. Ito ang iniulat sa ni Philippine Red Cross (PRC) Chairman Richard Gordon. Aniya, sa naturang bilang, 17 ang namatay sa Eastern Samar, isa sa Western Samar, isa rin sa Northern Samar, at tatlo sa lalawigan ng Iloilo. Una na rito, sinabi …

Read More »

Mall nasunog habang bumabagyo, 3 sugatan (Sa Roxas City)

ROXAS CITY – Sugatan ang tatlong mga bombero sa nasunog na engine room sa ika-apat na palapag ng Gaisano City Mall sa Arnaldo Boulevard, Roxas City kahapon. Dumanas ng mga paso sa kamay at leeg sina FO1 James Agarrado, FO1 Philamer Distura at FO3 Alexander Aninacion, ng Roxas City fire station, kabilang sa unang nagresponde sa loob ng engine room …

Read More »

Globe naghandog ng libreng tawag pabor sa OFWs

NAGKALOOB ng Libreng Tawag ang Globe Telecom sa overseas Filipino workers (OFWs) na nagtatrabaho mula sa walong (8) bansa sa Asia, Europe, Middle East at North America upang alamin ang kalagayan ng kanilang mga pamilya na naninirahan sa mga lugar na apektado ng pananalasa ng bagyong Ruby. Ayon kay Gil Genio, Globe Chief Operating Officer for Business and International Markets, …

Read More »

E. Samar umapela ng rasyong pagkain

UMAPELA ng tulong ang ilang lokal na pamahalaan sa Eastern Samar makaraan salantain ng Bagyong Ruby. Bukod sa walang suplay ng koryente at may mga nasirang impraestruktura, paubos na ang suplay ng pagkain para sa libo-libong residente na naapektohan ng bagyo. “Sobrang laki po ng damage rito, halos lahat ng kabahayan namin ay apektado,” pahayag ni Mayor Marian June Libanan …

Read More »

P3-M cash, alahas ni Agot Isidro natangay ng dugo-dugo gang

WALA pang pahayag ang singer-actress na si Agot Isidro kaugnay sa report na nawalan siya ng tinatayang P3 million cash at jewelry makaraan mabiktima ng “dugo-dugo gang” sa Quezon City nitong weekend. Inihayag ni PO2 Marlon dela Vega ng QC Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, naloko ang kasambahay ni Isidro na si Maenelyn Omapas nang makatanggap ng phone call …

Read More »

Parak utas sa ratrat, 1 pa sugatan

PATAY ang isang pulis habang sugatan ang isang mekaniko nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa tapat ng motor shop kamakalawa ng hapon sa Navotas City. Hindi na umabot nang buhay sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si PO1 Ronnie Dela Cruz, 30, nakatalaga sa Northern Police District Office (NPDO), at residente ng 122 E. Mariano St., Brgy. Tangos, ng lungsod. Habang …

Read More »

Serial rapist sa Caloocan arestado

NAGWAKAS ang maliligayang araw ng isang serial rapist, magnanakaw at karnaper makaraan maaresto sa isang ospital habang nagpapagamot ng sugat sa ulo kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Arestado habang nilalapatan ng lunas sa Bernardino Hospital ang suspek na si Albert Biol, alyas Daniel Mercado at Mores, 42, residente ng Phase 10-B, Package 6, Block 95, Brgy. 176, Bagong Silang ng nasabing …

Read More »

Vigan pasok sa New 7 Wonder Cities

HINIRANG ang Vigan sa Ilocos Sur bilang isa sa New7Wonder Cities. Kahanay nito ang mga lungsod ng Beirut sa Lebanon; Doha, Qatar; Durban, South Africa; Havana, Cuba; Kuala Lumpur, Malaysia; at La Paz, Bolivia. Ayon kay Bernard Weber, founder-president ng New7Wonders, layon ng kampanya na piliin ang pitong syudad sa buong mundo na kakatawan sa “global diversity of urban society.” …

Read More »

Operasyon ng MRT-3 naantala sa bitak na riles

NAANTALA muli ang operasyon ng Metro Trail Transit (MRT-3)  na umabot sa halos isang oras dahil sa nakitang bitak kahapon ng umaga. Sinabi ni MRT-3 Director Renato San Jose, natuklasan ang bitak na riles dakong 8 a.m. sa pagitan ng Southbound lane ng istasyon ng Magallanes at Ayala Station kaya pansamantalang inihinto ang biyahe ng mga tren dito. Ayon kay …

Read More »

Bebot sugatan sa tarak ng kapwa bebot

SUGATAN ng isang babae makaraan saksakin ng basag ng bote ng kainomang kapwa babae nang magtalo dahil sa selos kahapon ng madaling-araw sa Malabon City. Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Diane Castro, 28, may live-in partner, walang trabaho, ng Pinagsabugan St., Brgy. Longos ng nasabing lungsod. Habang arestado sa follow-up operation ang suspek na si …

Read More »

PNP chief hihirit ng TRO sa CA (Sa preventive suspension)

BALAK ng kampo ni PNP Chief Police Director General Alan Purisima na humirit ng Temporary Restraining Order (TRO) kaugnay sa ibinabang kautusan ng Office of the Ombudsman na anim buwan preventive suspension dahil sa maanomalyang kontrata na pinasok ng PNP sa isang Courier services na nagde-deliver ng gun licenses sa gun owners sa buong bansa. Ayon kay PNP PIO, Chief …

Read More »

Kumanta ng ‘Hanggang’ hinataw sa ulo, dedo

PATAY ang isang 40-anyos lalaki makaraan hatawin ng kahoy sa ulo ng hindi nakilalang salarin habang kumakanta ng ‘Hanggang’ ni Wency Cornejo sa isang binyagan sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Tondo ang biktimang si Gilbert Martinez, walang trabaho, ng 725 Int. 6, Laong Nasa Street, Tondo, Maynila. Habang inaalam pa ang pagkakakilanlan …

Read More »

.7-m residente apektado, 4 rehiyon walang koryente

UMABOT na sa 716,639 katao o 146,875 pamilya ang naitalang apektado ng Bagyong Ruby mula sa pitong rehiyon sa bansa. Ayon sa latest na datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), ang nasabing evacuees ay naitala sa mga rehiyon gaya ng region 4A, 4B, 5,6,7 at Caraga. Sinabi ni NDRRMC spokesperson Ms. Mina Marasigan, ang mga nagsilikas na …

Read More »

Lahar sa Mayon rumagasa

RUMAGASA ang putik, buhangin at bato mula sa paanan ng Bulkang Mayon sa Brgy. Maipon, Guinobatan, Albay Linggo ng madaling araw dahil sa bagsik ng Bagyong Ruby. Tiniyak ni Phivolcs resident volcanologist Ed Laguerta na mababa ang panganib na dala ng naturang lahar na maituturing na malabnaw pa lamang. “Pero ngayon ‘yung malabnaw na lahar na nangyayari d’yan sa Maipon …

Read More »

131 domestic, int’l flights kanselado

UMAABOT na sa 131 domestic at international flights na ang kinansela ng iba’t ibang airline companies dahil sa masamang lagay ng panahon. Ayon sa ulat ng NAIA media center, kabilang sa mga naapektohang byahe ay patungo ng Caticlan, Kalibo, Catarman, Naga, Roxas, Tacloban, Dumaguete, Legazpi at Tagbilaran City. Habang isang flight mula sa Taiwan ang hindi na itinuloy ang biyahe …

Read More »