Thursday , August 18 2022

Masonry Layout

MPD handa sa Pista ng Sto. Nino

HANDA na ang Manila Police District para sa Pista ng  Viva Sto. Niño sa Pandacan at Tondo, Maynila. Ayon kay MPD District Director Isagani Genabe,  handa ang pulisya sa pagmomonitor sa kapistahan ng Sto. Niño  sa Pandacan at  Tondo, simula ngayong araw at inilagay na sa heightened  alert ang MPD. Aniya, mahigit  6,000 miyembro ng pulis ang  ikakalat sa mga …

Read More »

Anak patay sa sumpak ni erpat

NAHAHARAP sa kasong parricide ang isang ama nang aksidenteng pumutok ang sumpak na pinag-aagawan nila kahapon ng madaling araw sa Taguig City. Patay na nang idating sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Danilo Ville, 21, ng 49-B Camachile St., Western Bicutan, dahil sa tama ng bala ng sumpak sa kaliwang dibdib. Agad naaresto ng nagrespondeng opisyal ng barangay ang …

Read More »

3-anyos totoy patay sa truck

HALOS mawalan ng ulirat ang ina ng 3-anyos  totoy, namatay matapos masagasaan ng mini-dump truck, habang naglalaro sa labas ng kanilang bahay, sa Mandaluyong City. Kinilala ni SP01 Virgilio Bismonte, may hawak ng kaso, ang biktimang si Denver Medina, ng #248 Sto. Rosario St., Brgy. Plainview, ng lungsod. Agad naaresto ng mga awtoridad ang drayber na si Arnel Roxas, 34-anyos, …

Read More »

Alcala patunayang rice smuggling king (Hamon ng Palasyo)

HINAMON ng Malacañang si Atty. Argee Guevarra na patunayan ang alegasyong pasimuno ng rice smuggling si Agriculture Sec. Proseso Alcala. Inihayag din ni Guevarra na ibubulgar niya sa susunod na linggo ang mga pangalan ng sinasabing kasama sa “Quezon mafia.” Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, dapat lamang na kung may paratang, kailangang magharap ng ebidensya. Ayon kay Coloma, mahalagang …

Read More »

34 patay sa LPA sa Mindanao

UMAKYAT na sa 34 ang kompirmadong patay, pito ang nawawala habang 65 ang nasugatan bunsod ng patuloy na pag-ulan dulot ng Low Pressure Area sa Mindanao. Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, hanggang 6 a.m. kahapon, 16 ang namatay sa Region 11; 15 sa CARAGA region; dalawa sa Region 10, habang isa ang patay sa Region …

Read More »

Negosyante utas sa holdaper

AGAD binawian ng buhay ang 55-anyos negosyante makaraang barilin ng isa sa dalawang holdaper na sakay ng motorsiklo sa Brgy. Banga, Plaridel, Bulacan. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Olivert Oliveros, residente ng Brgy. Poblacion sa bayan ding ito. Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong 2:30 p.m. kamakalawa habang nakatayo ang biktima at binabantayan ang kanyang Starex van …

Read More »

Tinorture na dating Marine Sergeant nagpasaklolo sa CHR…

NAGPAPASAKLOLO na ang isang dating Marine Sergeant sa Commission on Human Rights (CHR) makaraan ang aniya’y pangto-torture sa kanya ng grupo ng mga lalaki sa pa-ngunguna ng isang kapitan ng barangay sa Hacienda Dolores sa Porac, Pampanga. Hiniling ni Ex-Marine sergeant Larry Sabado, empleyado ng Arsenal Security Agency, kay CHR commissioner Loretta Ann Rosales na imbestigahan ang kaso ng pagdukot …

Read More »

21 bebot nareskyu sa red light district (Sa Angeles City)

CAMP OLIVAS, Pampanga – Umabot sa 21 kababaihan, kabilang ang 11 menor de edad, ang nasagip ng mga pulis sa pagsalakay sa dalawang bar sa red light district sa Angeles City na sinasabing kontrolado ng mga dayuhan. Ayon kay Central luzon Police Director, Chief Supt Raul Petra Santa, nakipag-ugnayan ang grupo ng International Justice Missionaries, ang NGO na tumututok sa …

Read More »

‘Hudyo’ tutol sa pagsikat ni Osang

MAAARING hindi mabago ng kanyang runaway success sa Israel’s first “X Factor” competition ang kapalaran ni Filipina caregiver Rose Fostanes sa Jewish state. Inihayag ng Israeli official sa Agence France-Presse, na si Fostanes ay hindi mapahihintulutan na gamitin ang kanyang talent bilang professional singer sa Jewish state. “She can only work as a carer, according to the law,” inihayag ng …

Read More »

Buwaya ‘umapaw’ kasabay ng baha (Sa Agusan Sur)

BUTUAN CITY – Pinangangambahan ng mga residente ang sinasabing pagkalat ng mga buwaya sa anim na bayan sa lalawigan ng Agusan del Sur, na nagmula sa umapaw na Agusan Marsh dahil sa pagbaha dulot ng ilang araw ng pag-ulan. Ayon kay Bunawan, Agusan del Sur Mayor Edwin “Cox” Elorde, aabot sa 56,000 ektarya ang area na cover ng marshland mula …

Read More »

Mendez bagong NBI chief

ITINALAGA ni Pangulong Benigno Aquino III bilang bagong director ng National Bureau of Investigation (NBI) ang opisyal na nangunguna sa imbestigasyon laban sa hinihinalang rice cartel king na si David Tan. Si Deputy Director for Regional Operations Virgilio Mendez ang kauna-unahang NBI insider na hinirang ni Pangulong Aquino na mamuno sa kawanihan mula nang maluklok siya sa Palasyo noong 2010. …

Read More »

Trolley driver patay utol sugatan sa resbak

PATAY ang isang lalaki habang sugatan ang kanyang kapatid makaraang saksakin ng kapwa nila trolley driver kamakalawa ng hapon sa Pandacan, Maynila. Kinilala ang namatay na si Rolando Santos Jr., 27, habang sugatan si Robertson, 29, kapwa residente ng #2611 K, Jesus St., Pandacan, nilalapatan ng lunas sa Sta. Ana Hospital. Mabilis na nakatakas ang suspek na si Angelito Arquero, …

Read More »

Guro sibak sa sex video

LAOAG CITY – Humingi man ng dispensa ay sinibak pa rin ang guro sa isang pribadong kolehiyo sa lungsod ng Laoag dahil sa sinasabing kanyang sex video na kumalat sa isang porno website sa internet. Inamin ng pamunuan ng Northern Christian College na agad isinailalim sa due process ang guro na personal na umamin at kinompirma ang pagkakaugnay sa sex …

Read More »

2 barko sumadsad 300 pasahero ligtas

LIGTAS na ang mahigit 300 pasahero, matapos sumadsad ang dalawang barko sa bahagi ng Mactan Island at Leyte kahapon ng madaling araw. Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesman Commander Armand Balilo, unang sumadsad ang barko ng Medallion Transport  dakong 2 a.m. sa bahagi ng Leyte. Dito ay naisalba ang 90 pasahero na nagmula sa Cebu City. Ikalawang sumadsad ang …

Read More »

Tserman nilikida ng tandem

CAMP OLIVAS, Pampanga – Hindi man lang nakaganti ng putok ang mga bodyguard ng bagong halal na barangay chairman ng Brgy. San Jose matapos pagbabarilin ang opisyal ng riding in tandem habang umoorder ng pananghalian ang biktima sa kantina ng poblasyon kamakalawa ng tanghali sa Brgy. Sto. Rosario, bayan ng Macabebe. Base  sa ulat ni Chief Inspector John Clark, hepe …

Read More »

3 salvage victims itinapon sa Antipolo

TATLONG bangkay na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod ng Antipolo. Ayon sa pulisya, isa-isang natagpuan ang mga bangkay sa Brgy. Dela Paz at Zigzag Road, tapat ng El Dorado Subdivission, Brgy. San Jose sa lungsod. Ayon sa ulat ng Antipolo Public Safety Department, natagpuan ng mga residente ang mga biktima na nakabalot …

Read More »

Inakusahang rapist ng anak ama nagbigti

“MAY problema po kasi siya sa kanyang pamilya. Isa pa, pinagbintangan pa siya na  ni-rape daw n’ya ang kanyang anak na babae. Maaaring dinamdam niya ito kaya siya nagpakamatay.” Ito ang sinabi sa pulisya ng isang Rolando Lorenzo, 59, nagpakilalang bayaw ni Jerry Berja, 35, landscaper, natagpuang nakabigti sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Hangga, Brgy. Longos, Malolos City …

Read More »

2 patay sa sunog sa Baguio City

BAGUIO CITY – Patay ang dalawa katao sa naganap na sunog dakong 3 p.m. kahapon sa Brgy. Brookside, Baguio City. Kinilala ang mga biktimang si Sharon Sabado, 33, at isang special child na hindi pa nakikilala. Ayon sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Department (BFP)-Baguio, nag-umpisa ang sunog sa ikalawang palapag ng nasabing bahay na yari sa kahoy hanggang sa …

Read More »

5 sugatan sa amok sa Bulacan

LIMA katao ang sugatan, kabilang ang isang kritikal ang kondisyon, makaraan mag-amok ang isang lalaki sa San Jose del Monte, Bulacan kamakalawa. Ang suspek na si Danilo Vellas ay pinagbabaril ang bawat makasalubong matapos makipag-away sa kanyang live-in partner na si Elaine Marian Conocido, ng San Jose del Monte, Bulacan. Ayon kay Conocido, binaril ni Vellas sa braso at hita, …

Read More »

Korean donations sa Manila kay Erap mapanganib

NAGBABALA at nanawagan ang isang concerned  group na mga mamamayan kay Manila Mayor Joseph Estrada na mag-ingat sa mga pambobola ng Koreans businessmen sa kanya at alok na libre o donasyon na mga  LED screens sa mga lamp post sa lungsod ng Maynila dahil sa posibleng mabigat na kapalit nito sa huli. Ang Global Gold Inc., ay nangako kay Estrada …

Read More »

Villar magbibigay ng karagdagang tulong sa apat pang lugar na apektado ng bagyong “Yolanda” sa Leyte

MAGBIBIGAY si Senator Cynthia Villar, chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food, ng karagdagang tulong sa mga biktima ng super typhoon “Yolanda” sa Leyte, partikular ang mga magsasaka, mangingisda at ang kanilang pamilya. Makaraang bisitahin ang mga munisipalidad ng Dulag, Julita, Mayorga at Tanauan sa Leyte noong nakaraang buwan, magtutungo ngayon (January 16) si Villar sa Calubian, Tabango, Leyte  …

Read More »

‘Sumpa’ ng My Way tinapos ni Osang

TAGUMPAY hindi kamatayan ang inihatid ng awiting “My Way” ni Frank Sinatra  sa Pinay caregiver na lumahok sa “The X-Factor Israel” na si Rose Fontanes alyas Osang kahapon ng umaga. Ang kantang “My Way” na lagi nang naikakabit sa kamalasan at kamatayan sa mga videoke bar ay ginamit na piyesa ni Osang sa championship ng “The X-Factor Israel.” Ikinagalak ng …

Read More »

Estapador ng droga siningil ng bala

ISA sa anggulong sinisilip ng Pasay City police ang onsehan sa droga sa pagpatay sa 40-anyos lalaki, matapos pagbabarilin habang nakatayo sa tapat ng isang tindahan, kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Kinilala ni Senior Insp. Wilson Villaruel, hepe ng Police Community Precinct (PCP-5),  ang biktimang si Herman Ortega, alyas “Tata,” miyembro ng “Sputnik Gang,” ng 629 Rodriguez St. Malapitang …

Read More »

Cashless transaction isinulong ni PNoy

MAGIGING “cashless” na ang mga transaksyon sa mga ahensya ng pamahalaan upang maiwasan ang korupsyon. Pinangunahan kahapon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang paglulunsad ng Cashless Purchase Card (CPC) Program sa ginanap na Good Governance Summit sa Philippine International Convention Center (PICC). Sa kanyang talumpati, inihayag ng Pangulo na sa bagong sistema, imbes na cash, ay card ang gagamitin …

Read More »

Bangayan ilalagay sa look-out bulletin

ISASAILALIM sa look out bulletin ng Department of Justice (DoJ) ang kontrobesyal na negosyanteng si David Bangayan. Inihayag ito ni Justice Secretary Leila de Lima kasunod ng nakalap na mga impormasyon kaugnay sa posibleng pagkakasangkot ni Bangayan sa rice smuggling dahil sa hinalang siya rin ang negosyanteng si David Tan. Kasabay nito, inatasan ng kalihim ang National Bureau of Investigation …

Read More »