Thursday , December 8 2022
road traffic accident

Bebot patay, 1 sugatan sa jeep na nawalan ng preno

PATAY ang 37-anyos babae habang sugatan ang isa pa makaraan mabundol ng pampasaherong jeep na mawalan ng preno sa San Miguel, Maynila.

Kinilala ng Manila District Traffic Enforcement Unit, ang biktimang namatay na si Rasheda Olama, 37, residente ng 148, Brgy. 648, Carlos Palanca St., San Miguel, habang sugatan si Namira Dasilo, 41, residente ng 261 Padre Casal Street, San Miguel, Maynila.

Agad nadakip ang suspek na si Leo Orfilla, 41, residente ng 708 T. Anzures Street, Sampaloc, Maynila, driver ng pampasaherong jeep (TGA-185) na may rutang San Miguel-Ikot via Padre Casal.

Ayon sa ulat, dakong 5:05 pm nang maganap ang insidente sa Padre Casal St., kanto ng Carlos Palanca Street sa San Miguel nitong Huwebes.

Nabatid na minamaneho ni Orfilla ang jeepney patungong northwest direction ng Padre Casal, sa kanto ng Carlos Palanca nang biglang mawalan ng preno at nasapol ang mga biktima.

( LEONARD BASILIO )

About Leonard Basilio

Check Also

knife saksak

Pera pinagtalunan ng mag-asawa
BABAE KRITIKAL, MISTER PATAY SA SARILING SAKSAK

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang lalaki matapos saksakin ang sarili habang sugatan ang kinakasama …

Covid-19

Sa Cagayan
154 ESTUDYANTE, GURO MAY SINTOMAS NG COVID-19 F2F CLASSES SUSPENDIDO

PANSAMANTALANG ipinassuspende ni Mayor Samuel Siddayao ng bayan ng Gattaran, sa lalawigan ng Cagayan, ang …

Riding-in-tandem

Sa San Rafael, Bulacan
1 PATAY, 1 SUGATAN SA RIDING-IN-TANDEM

DEAD ON-THE SPOT ang isang lalaking sakay ng motorsiklo habang sugatan ang kanyang angkas matapos …

Rodolfo Azurin Jr Sofronio Capitle Jr PNP

Labi ng pinaslang na pulis-Pampanga dinalaw at ginawaran ng pagpupugay

BINISITA at binigyang-pugay ni Philippine National Police (PNP) chief P/Gen. Rodolfo Azurin, Jr., ang pulis …

MMDA, NCR, Metro Manila

MMDA clearing ops umarangakada na

MAHIGIT 30 sasakyan ang nahuli sa isinagawang clearing operation ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) …

Leave a Reply