Wednesday , December 7 2022
shabu drugs dead

2 patay sa buy-bust sa Alburetum

 

PATAY ang isang hinihinalaang drug pusher at ang kanyang kasama makaraan makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa buy-bust operation sa Alburetum Forest sa UP Diliman, Quezon City nitong Linggo.

Target sa nasabing operasyon si alias Lupa habang tinutukoy pa ang pagkakilanlan ng kanyang kasama.

Ayon kay Supt. Wilson Delos Santos, nakatakdang maglunsad ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Anti-Illegal Drugs Unit ng Quezon City Police District Station 9 sa Alburetum Forest nang sumiklab ang labanan.

Pahayag ng QCPD, ang suspek na si Alias Lupa ay kabilang sa drug watch list at sumuko na sa ilalim ng Oplan Tokhang.

Isang caliber .45 at caliber .38 pistols at isang getaway vehicle ang narekober ng mga pulis sa lugar nang pinangyarihan ng insidente.

( ALMAR DANGUILAN )

About Almar Danguilan

Check Also

Money Bagman

MWF hindi na bago – GMA
Makabayan tutol sa panukala

HINDI na bago ang pagbuo ng isang sovereign wealth fund kagaya ng Maharlika Wealth Fund …

High-rise housing projects BLISS

High-rise housing projects tugon sa kakapusan ng disenteng tirahan

IKINOKONSIDERA ng pamahalaan ang pagtatayo ng high-rise housing o matataas na yunit ng pabahay upang …

Sonny Angara Money Senate

Aprobado sa bicameral conference committee
P5.27-T NAT’L BUDGET RATIPIKADO SA SENADO
P10-B ng NTF-ELCAC, P150-M DepEd confidential funds ibinalik

RATIPIKADO na sa senado ang inaprobhang Bicameral Conference Committee report o ang P5.27 trilyon national …

120622 Hataw Frontpage

Pondo ng SSS, GSIS para sa Maharlika  ‘unconstitutional’ — retired SC justice

ni ROSE NOVENARIO UNCONSTITUTIONAL o labag sa Konstitusyon ang paggamit ng investible funds para sa …

dead gun police

Karinderya pinaulanan ng bala
2 PATAY, 2 SUGATAN

AGAD namatay ang dalawang lalaki habang sugatan ang dalawang iba pa nang paulanan sila ng …

Leave a Reply