KAPWA sugatan ang mag-utol makaraan saksakin at hatawin ng bote ng beer ng tatlong kainoman nang magkapikonan kahapon ng madaling-araw sa Malabon City. Nilalapatan ng lunas sa Pagamutang Bayan ng Malabon ang biktimang si Jonathan Flores, 28, tinamaan ng saksak sa dibdib, habang sugatan ang ulo ng kapatid niyang si Joseph, 29, merchandizer, kapwa residente ng #73 Celia St., Brgy. …
Read More »Masonry Layout
Ginang tigok sa killer tandem
UTAS ang isang ginang makaraan ratratin ng riding-in-tandem kahapon sa Quezon City. Kinilala ang biktimang si Marilou Otayde, 43, may-asawa, ng Senatorial St., Brgy. Batasan Hills sa lungsod. Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente dakong 10:15 a.m. sa harap ng tirahan ng biktima na mayroong sari-sari store. Nasa loob …
Read More »Bagon ng MRT sumalpok sa barrier 50 sugatan (Kumawala sa coupling)
MAHIGIT 50 ang sugatan makaraan mawala sa kontrol ang depektibong bagon ng Metro Rail Transit at sumalpok sa Taft Avenue station wall sa Pasay City kahapon. Kabilang sa mga sugatan ang mga pasahero ng train gayon din ang ilang pedestrian sa kanto ng EDSA at Taft Avenue, na tinamaan ng debris. Ayon sa ulat, 10 katao ang dinala sa San …
Read More »Puso ng kelot sumabog tigok (10 gin parusa ng ‘berdugong’ chairwoman)
DAHIL sa kapirasong yero, muling nakatikim ng kalupitan ang isang pamilya na ikinamatay ng kapatid nilang lalaki sa kamay ng isang barangay chairwoman sa City of San Jose del Monte, Bulacan. Ang pagkamatay ni Abundio Baltazar, 46 anyos, dahil sa sapilitang pagpapainom ng 10 bote ng gin (Ginebra San Miguel) o markang demonyo ni Barangay Chairwoman Laarni Contreras, katuwang ang …
Read More »Utos ng Bulacan court: Palparan ilipat sa Bulacan jail
BITBIT ng mga militante ang larawan ng mga biktima na sinasa-bing ipinapaslang ni dating Maj. Gen. Jovito Palparan, sa kanilang muling pagsugod sa harap ng NBI kahapon. Iginiit ng militanteng grupo na panagutin si Palparan sa pagkawala ng dalawang UP students na sina Karen Empeño at Sheryn Cadapan noong 2006, kasabay ng kahilingan na huwag bibigyan ng VIP treatment ang …
Read More »Pinsan ni FG arestado sa P230-M large scale estafa
SWAK sa kulungan sa Camp Crame ang pinsan ni dating First Gentleman Mike Arroyo, na dating banker na si Benito Ramon “Bomboy” Araneta dahil sa kasong large scale estafa. Naaresto ng mga operatiba ng Regional Intelligence Unit ng NCRPO si Araneta sa kanyang bahay kamakalawa ng hapon sa Acacia Avenue sa Ayala, Alabang. Ayon kay PNP PIO head, Chief Supt. …
Read More »15-anyos dalagita sinilaban ng ama
DUMANAS ng second-degree burns sa katawan ang isang 15-anyos dalagita sa Negros makaraan silaban ng kanyang sariling ama nitong Biyernes. Ayon sa ulat ng pulisya, binuhusan ng ama ang anak ng gas at sinindihan dahil hindi inalagaan ang nakababata niyang mga kapatid. Nang mahimasmasan sa kanyang ginawa, isinugod ng ama ang kanyang anak sa pagamutan. Tiniyak ng Children’s Protection Desk …
Read More »Magkakarne inatado ng sekyu (Nahuling katalik ng dyowa)
KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang meat vendor makaraan tadtadin ng saksak ng security guard nang maabutan ang biktima habang nakikipagtalik sa kinakasama ng suspek sa Navotas City kamakalawa ng gabi. Inoobserbahan sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Isagani Padernal, 32, residente ng Block 19, Nagpayo St., Pasig City. Habang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na …
Read More »Sariling misis ginahasa mister kalaboso
NAGA CITY – Hindi matanggap ng isang misis na ang mismong asawa niya ang gagawa sa kanya ng kahalayan sa Tiaong, Quezon. Ito ay makaraan siyang gahasain ng sarili niyang mister. Sa ulat na ipinadala ng Quezon Police Provincial Office, nabatid na nakahiga ang dalawa sa loob ng kanilang kwarto nang kalabitin ng suspek ang biktima at hiniling na sila …
Read More »1 utas, 3 timbog sa Oplan Galugad
NAPATAY ang isang armadong lalaki habang naaresto ang tatlo pang kalalakihan makaraan makipagbarilan sa mga kagawad ng pulisya sa isinagawang anti-criminality campaign kahapon ng umaga sa Alabang, Muntinlupa City. Agad binawian ng buhay ang suspek na si Alvin Bacol, 30, alyas Itlog, ng Balbanero Compound, Alabang, Muntinlupa. Samantala, dinala sa himpilan ng Muntinlupa Police para imbestigahan ang nadakip na mga …
Read More »84 TESDA students sugatan sa party (Plastic chairs depektibo)
LEGAZPI CITY – Sugatan ang 84 estudyante ng Technical Education and Skills Dvelopment Authority (TESDA) sa bayan ng Daraga, Albay, makaraan silang mahulog sa upuan kamakalawa. Sa ulat na ipinaabot ng presidente ng Student Council Organization ng nasabing paaralan na si Kevin Llona, nag-arkila sila ng 400 plastic na upuan mula sa isang tindahan sa bayan para sa kanilang aquaintance …
Read More »Truck driver kritikal sa 3 hijackers
KRITIKAL ang kalagayan ng driver ng 14-wheeler truck na may kargang semento makaraan saksakin ng tatlong hijackers at inagaw ang minamaneho niyang sasakyan bago siya itinapon sa madilim na lugar kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sta, Maria, Mexico, Pampanga. Ayon sa mga awtoridad, dakong 8 p.m. binabaybay ng biktimang si Ricardo Balmores, driver ng 14-wheeler truck, ang provincial road ng …
Read More »Bebot kinatay ng kaaway
PATAY ang isang hindi nakilalang babae makaraan laslasin ang leeg at pagsasaksakin sa hita at kamay kamakalawa ng gabi sa Isla Puting Bato, Tondo, Maynila. Ayon kay SPO1 Richard Escarlan, ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktima ay tinatayang 25-30 anyos, at 5’2 ang taas. Nabatid sa imbestigasyon, dakong 9 p.m. nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa harap ng …
Read More »6 Indonesian, 2 Pinoy timbog sa puslit na yosi
ANIM na Indonesian nationals at dalawang Filipino ang inaresto ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa illegal na pagpupuslit ng sigarilyo mula Indonesia sakay ng Sarangani Bay vessel sa Malapatan, Sarangani. Kinilala ang dalawang Filipino na sina Eduardo Crisostomo, 53; ng Uhaw St., Brgy. Fatima, at Elmer Pasculado, 27, ng Brgy. Tambler sa lungsod. Habang ang anim dayuhan ay sina …
Read More »Palparan nasakote sa Maynila
ARESTADO ang puganteng si ret. Maj. Gen. Jovito Palparan sa pinagsamang operasyon ng National Bureau of Investigation-Anti-Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD), Armed Forces of the Philippines (AFP), Naval Intelligence Security Force Counter Intelligence and Naval Research Command (NISF) at AFP Taskforce ‘Runway’ kahapon ng madaling araw sa Sta. Mesa, Maynila. Ayon sa NBI-AOTCD, Agosto 10 ay nakatanggap sila ng …
Read More »P2-M pabuya sa tipster
MASOSOLO ng ‘tipster’ ang nakapatong na P2- million reward sa ulo ni ret. Maj. Gen. Jovito Palparan. “Sa kanya lang mapupunta ‘yon siyempre, ang sa amin masaya na kami basta ma-promote lang kami,” ayon kay NBI Special Agent Aldrin Mercader.
Read More »Takot sa NPA
NILINAW ni ret. Maj. Gen. Jovito Palparan na hindi siya humihingi ng special treatment sa pamahalaan makaraan maaresto kahapon ng madaling araw sa Sta. Mesa, Maynila. Sinabi ni Palparan, ang tanging ipinag-alala niya kung saan man siya ikukulong, ang kanyang seguridad dahil ayaw niyang mamatay sa kamay ng kanyang kalaban partikular ang mga rebeldeng komunista o New People’s Army (NPA). …
Read More »Rule of Law — Palasyo
HINDI sasantuhin ng administrasyong Aquino ang mga lumalabag sa karapatang pantao at sumusuway sa batas dahil determinado itong pairalin ang “rule of law.” Ito ang mensahe ng Palasyo sa mga sangkot sa human rights violations at extrajudicial killings, kasunod ng pagdakip ng pinagsanib na pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at National Bureau of Investigation (NBI) sa tinaguriang …
Read More »Palparan dapat mabulok sa kulungan — KMU
SUMUGOD sa harap ng tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga katutubo at isinigaw ang agarang paglilitis sa nadakip na si retired Maj. General Jovito Palparan. Iginiit din nilang huwag bibigyan ng special treatment ang dating heneral. (BRIAN BILASANO) WALANG espesyal na trato at dapat mabulok sa kulungan. Ito ang pahayag ni Lito Ustarez, vice-chairperson ng Kilusang Mayo …
Read More »Ecleo, Reyes bros isusunod — Palasyo
TINIYAK ng Palasyo na susunod nang masasakote ng mga awtoridad ang iba pang high-profile fugitives na si dating Rep. Reuben Ecleo at Reyes brothers, makaraan bumagsak sa kamay ng batas ang puganteng si retired Maj. Gen. Jovito “The Butcher” Palparan. “Patuloy naman silang kabilang doon sa mga high-profile na at large suspects in criminal cases at patuloy din ‘yung pagkilos …
Read More »Lider maralita tinambangan sa paaralan (11-anyos estudyante sugatan)
PATAY ang 59-anyos urban poor leader habang sugatan ang 11-anyos pupil makaraan pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang lalaki sa Antipolo City kamakalawa ng hapon. Sa ulat na tinanggap ni Senior Supt. Bernabe Balba, Rizal PNP provincial director, kinilala ang napatay na si Isaias Nicolas y Alfonso, founding chairman ng Agrarian Reform Beneficiary Association (ARBA), kalaban ng mga big time developer …
Read More »P4-M G-Shock nakompiska ng Customs Intel sa Naia
UMABOT 413 piraso ng Casio G-Shock watches na nagkakahalaga ng P4 milyon na tangkang ipuslit sa pamamagitan ng pagtatago sa loob ng balikbayan boxes ang nasakote ng Bureau of Customs CIIS sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kahapon. Ang mga balikbayan boxes ay ipinadala nina Jeffrey N. Valencia, Peter Paul Bayani, Winly Dael Duran, Blessie Jao, at Leland Marquez kina …
Read More »Parak na bigtime drug dealer tiklo (2 pa arestado)
ARESTADO ang isang pulis na hinihinalang big time drug dealer, at dalawa niyang kasama sa drug bust operation ng mga awtoridad sa Sta. Rosa, Nueva Ecija kamakalawa. Ayon sa ulat mula sa Kampo Olivas, kinilala ang pulis na si PO1 Danilo Ingalla, Jr. alyas June, ng nasabing lugar, isang pulis-Caloocan, sinasabing leader/financier ng J&B drug trafficking group, nakompiskahan ng armalite, …
Read More »60-anyos lolo dedo sa ligaw na bala
NAGING ligaw na kamatayan para sa isang nagbibisekletang 60-anyos lolo ang bala na dapat sana ay para sa kumakaripas na 17-anyos binatilyo na siyang tunay na target ng naka-motorsiklong suspek sa Pasay City kahapon ng madaling araw. Nalagutan ng hininga dakong 7:45 a.m. kahapon habang nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Jimmy Fiel, self employed, …
Read More »Kuya ini-hostage 3 utol na paslit (Sinita ni tatay sa inubos na kanin)
BUNSOD nang matinding sama ng loob nang pagalitan ng ama dahil sa pag-ubos sa kanin, ini-hostage ng isang 21-anyos lalaki ang tatlo niyang nakababatang kapatid habang hawak ang isang granada sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Sa pakikipagnegosasyon ng mga awtoridad, napasuko ang suspek na si Gabriel Villafuerte, walang trabaho, residente ng Diamante St., Deparo …
Read More »