Saturday , December 3 2022
fire dead

4 bata, bebot patay sa sunog sa Quezon

PATAY ang limang indibidwal, kabilang ang apat bata at isang babae, nang masunog ang isang residential area sa Brgy. Lalo, Tayabas, Quezon nitong Sabado ng gabi.

Sa report mula kay Quezon Police Supt. Arturo Browale, nakatanggap sila ng tawag na may naganap na sunog sa Sitio Walang Diyos partikular sa bahay ng isang Gigi Rey.

Apat na katabing bahay ang nadamay sa sunog na naapula pasado hatinggabi.

Sa kasunod na retrieval operation, lima ang natagpuang patay sa bahay na pinagmulan ng sunog.

Kinilala ang mga namatay na sina Joanna Marie Diurante, 28; Jun Lord Rey Balabis, 12; Desiree Rey, 7; Paul Jake Rey, 5 at Julian Rey Balabis, 3-anyos.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng Tayabas Police ang insidente.

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Rank No. 10 MWP
WANTED SA ROBBERY, NASAKOTE SA KANKALOO

BAGSAK sa kulungan ang isang miyembro ng “Limos Carnapping Group” na nasa talaan bilang rank …

shabu drug arrest

P.1M shabu
2 BEBOT, TULAK, HULI SA DRUG BUST

TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang ginang ang kalaboso matapos makuhaan ng mahigit P.1 …

Sibuyas Onions

Magsasaka dehado sa planong  importasyon ng sibuyas — Imee

MAGIGING malungkot ang Pasko ng mga magsisibuyas sa walong lalawigan kung itutuloy ng gobyerno ang …

PHil pinas China

Joint exploration sa WPS, ituloy – Marcos Jr.

KAILANGANG makahanap ng paraan ang Filipinas para matuloy ang paggalugad sa West Philippine Sea (WPS) …

NTF-ELCAC

Pondo ng NTF-ELCAC ilipat sa serbisyo publiko — Makabayan

NANAWAGAN ang grupo ng Makabayan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na tapyasan ang P10 milyong …

Leave a Reply