Thursday , June 4 2026

Mag-amang ASG arestado sa Zambo

ZAMBOANGA CITY – Arestado ang mag-ama na hinihinalang mga kasapi ng teroristang Abu Sayyaf group (ASG) at wanted kidnapper, sa operasyon ng Philippine National Police (PNP) kamakalawa sa Brgy. Sta. Barbara sa Zamboanga City.

Kinilala ni Police Regional Office (PRO9) director, Chief Supt. Billy Beltran, ang mag-amang suspek na si Abdul-latip Talanghati Suwaling, alyas Latip Sihata at Tatang, 64, at ang kanyang anak na si Albashrie Talanghati Sata alyas Tagalog at Abu Tarik.

Ang mag-ama ay tubong Brgy. Luuk, Tungkil, lalawigan ng Sulu at pansamantalang naninirahan sa lungsod.

Nabatid na ang amang suspek ay may P5.3 milyon patong sa ulo hinggil sa pagkakasangkot sa Sipadan kidnapping sa isla ng Sabah taon 2000 na sangkot din ang kanyang anak.

Ayon kay Beltran, ang pag-aresto sa mga suspek dakong 9:00 pm ay sa bisa ng warrant of arrest sa kasong kidnapping with serious illegal detention with ransom.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …