Thursday , June 4 2026

TimeLine Layout

May, 2026

  • 18 May

    Alfred at Yasmine masakit man, anak inalis sa swimming school

    Alfred Vargas Yasmine Vargas Swimming

    SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INALIS na ng mag-asawang Alfred at Yasmine Vargas ang kanilang mga anak sa swimming school sa gitna ng patuloy na paglaban nila sa nambu-bully sa kanilang anak. Sa pamamagitan ng Facebook page ni Alfred, inihayag ni Yasmine noong Sabado, Mayo 16, na hindi madali ang ginawa nilang desisyon, ang pag-alis sa kanilang anak sa swimming school. “Over the past weeks, our family …

    Read More »
  • 18 May

    Sa kudeta sa Senado
    Abstain votes ng 2 senador may ‘hidden agenda’ – netizens

    Senate Senado

    SINILIP ng netizens ang ‘hidden agenda’ sa botong abstain ng mga senador na sina Juan Miguel Zubiri at JV Ejercito sa pagpapalit ng liderato ng senado nitong nakaraang Lunes, 11 Mayo 2026.                 Ito ay matapos umugong ang balitang papalitan umano ni Zubiri si bagong Senate President Alan Peter Cayetano at kukuha ng suporta mula sa miyembro ng mayorya at …

    Read More »
  • 18 May

    Hiling sa SC:  
    HIRIT NI BATO VS ICC WARRANT SINUPALPAL NG OSG
    The fugitive disentitlement should also apply to him. – Berberabe

    051826 Hataw Frontpage

    HATAW News Team IGINIIT ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema na ibasura ang petisyon ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa kaugnay ng warrant of arrest na inilabas laban sa kanya ng International Criminal Court (ICC). Sa komentong may 83 pahina, may petsang 16 Mayo, hiniling ng OSG sa SC na ibasura ang Urgent Manifestation with Omnibus …

    Read More »
  • 17 May

    Abundo, Bustamante sumikwat ng ginto sa Karate One-Youth League

    Abundo Bustamante Karate One-Youth League

    SINALBA nina Francis Erl Jud Abundo at Kathleya Elaine Bustamante ang kampanya ng Team Philippines matapos sumikwat ng tig-isang gintong medalya sa pagtatapos ng Karate One-Youth League na itinanghal sa SM Mall of Asia sa Pasay City. Isang araw bago ang kanyang ika-13 kaarawan, rumatsada si Abundo at dinomina si Azlee Khairi bin Wan Zuraimi ng Brunei, 7-0, upang masungkit …

    Read More »
  • 17 May

    Del Rosario, Caluya namayagpag sa National Age Group Aquathlon

    Del Rosario Caluya National Age Group Aquathlon

    PINATUNAYAN nina Peter Sancho Del Rosario at Anisha Eunice Caluya ang kanilang husay matapos maghari sa sprint junior elite category ng National Age Group Aquathlon na ginanap sa Amoranto Sports Complex sa Quezon City. Naitala ng 16-anyos na si Del Rosario ng Santa Rosa, Laguna ang pinakamabilis na oras na 15 minuto at 54 segundo sa men’s division. Ayon kay …

    Read More »
  • 16 May

    Medalya mailap pa rin kina Varias, Caruana sa Day 3 ng Karate One-Youth League

    Karate One-Youth League

    NANATILING mailap ang medalya para sa mga Pinoy bet kahapon matapos matalo sina Ysabella Arwen Varias at Carl Caruana sa kani-kanilang laban para sa bronze medal sa Karate One-Youth League na iniharap ng Philippine Sports Commission sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City. Kapwa umabot sa repechage round, si Varias—na nakapagtala ng upset laban kay WKF-1 Mariaa Sereda, …

    Read More »
  • 16 May

    WSC 2026, Sisimulan ang 2nd Edition sa Big Dome

    World Slasher Cup 2026

    PORMAL nang inilunsad ang 2nd edition ng World Slasher Cup (WSC) 2026 na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City mula Mayo 19 hanggang 25. Mahigit 275 entries mula sa iba’t ibang lokal at internasyonal na breeders ang nakatakdang maglaban-laban para sa prestihiyosong kampeonato sa isa sa pinakamalaking torneo ng sabong sa mundo. Ginanap ang press conference noong Mayo …

    Read More »
  • 16 May

    Berco, pinakamahusay na Pinoy sa Day 2 ng Karate One-Youth League

    Berco karate

    KAHIT nabigo sa kanyang unang laban, ipinakita ni Eduardo Berco III ang tatag at determinasyon matapos makabawi at muntik nang makasampa sa podium sa junior male kumite -61kg division ng Karate One-Youth League na inihandog ng Philippine Sports Commission sa SM Mall of Asia Arena kahapon. Tinanggap ni Berco ang 1-7 pagkatalo kontra kay Maksym Viechikanov ng Ukraine sa unang …

    Read More »
  • 16 May

    Modernisado at mas mahabang validity
    5-YEAR VALIDITY NG PRC ID, LUSOT NA SA IKALAWANG PAGBASA SA KAMARA   

    Kamara Congress

    ISANG malaking hakbang tungo sa mas mabilis na serbisyo-publiko ang ginawa ng House of Representatives matapos aprobahan sa second reading ang House Bill No. 8876. Layunin ng panukala na ipinasa via viva voce nitong Miyerkoles, na pahabain ang validity ng Professional Regulation Commission (PRC) ID mula sa kasalukuyang tatlong taon patungong limang taon. Ang reform na ito ay idinesenyo para …

    Read More »
  • 15 May

    Para sa malusog at masustansiyang pagkain
    Produkto mula sa urban gardening tampok sa cooking competition na idinaos ng Villar Foundation

    Villar Foundation urban gardening cooking competition

    IDINAOS ng Villar Foundation sa pangunguna ng managing director at dating senadora Cynthia Villar ang Cooking competition na pawang ang nilutong  masasarap at masusustansiyang putahe ay tampok ang mga sangkap mula sa urban gardening. Kabilang sa mga ginamit na sangkap sa pagluluto ang sariwang isda, mga produkto mula sa urban gardens, at sariwang karne. Tiniyak ng mga kalahok sa kompetisyon …

    Read More »