Tuesday , June 9 2026
Berco karate
BINIGYAN ng karate sidekick ni Eduardo Berco 111 ang kalabang si Mwtt Witharana ng Sri Lanka kung saan nanalo si Berco sa iskor na 3-1 sa junior male kumite -61kg division ng Karate One-Youth League kahapon sa SM Mall of Asia Arena. Si Berco ang may pinakamataas na naitalang puwesto sa mga lokal na kalahok na nagtapos sa ikapitong puwesto sa kanyang dibisyon. Pinangunahan ni Karate Pilipinas Sports Federation, Inc. president Richard Lim ang makulay at masiglang opening ceremony sa ikalawang araw ng Karate One-Youth League. Kabilang sa mga dumalo at nagbigay ng mahalagang mensahe sina World Karate Federation president Antonio Espinos, Philippine Sports Commission commissioner at bowling legend Olivia "Bong" Coo, at Milo. Senior Vice President Veronica Cruz. Kasunod ang parada ng mga bandila mula sa 59 na kalahok na bansa. Tampok din ang mga drummer at mga dancers sa kanilang etnikong kasuotan at festive Pinoy- inspired dance number (HENRY TALAN VARGAS)

Berco, pinakamahusay na Pinoy sa Day 2 ng Karate One-Youth League

KAHIT nabigo sa kanyang unang laban, ipinakita ni Eduardo Berco III ang tatag at determinasyon matapos makabawi at muntik nang makasampa sa podium sa junior male kumite -61kg division ng Karate One-Youth League na inihandog ng Philippine Sports Commission sa SM Mall of Asia Arena kahapon.

Tinanggap ni Berco ang 1-7 pagkatalo kontra kay Maksym Viechikanov ng Ukraine sa unang round, kung saan umabot pa ito hanggang finals ng naturang weight class dahilan upang bumaba sa repechage round ang Pinoy karateka.

Hindi sumuko ang pambato ng General Santos City at sinikap nitong maihatid sa bansa ang unang medalya sa torneo na suportado ng SM Group of Companies at Philippine Olympic Committee.

Kinailangan ni Berco ng tatlong sunod na panalo upang masungkit ang bronze medal sa repechage. Una niyang dinaig si Logan Morrison ng Scotland sa iskor na 7-1 bago pinatahimik si Mwtt Witharana, 3-1. Ngunit sa ikatlong laban ay kinapos siya ng lakas at yumuko 1-5 kay Hang Lao Cheok ng Macau.

Sa kabila nito, si Berco pa rin ang may pinakamataas na naitalang puwesto sa mga lokal na kalahok makaraang tumapos sa ikapitong puwesto ng kanyang dibisyon sa kompetisyong suportado rin ng Lanson Place, Citadines Bay City Manila at Milo.

Samantala, maaga ring natapos ang kampanya ni Rei Alec Servan matapos malaglag sa dikit na 1-2 desisyon kontra kay Lucy Choi-Lawrence ng Australia sa quarterfinals ng junior female -53kg division ng torneo na aprubado ng World Karate Federation at inorganisa ng Karate Pilipinas Sports Federation, Inc..

Tabla sa 1-1 ang laban sa mga huling segundo ng dalawang minutong sagupaan nang makalusot ng suntok sa mukha ng Filipina karateka ang Australiano upang maselyuhan ang panalo at makapasok sa semifinals.

Hindi rin umabot sa semifinals sina Zian Alexander Sing sa junior male kumite -61kg division at Kevin Llup sa junior male kumite -55kg division.

Matapos makakuha ng bye sa opening round, dinomina ni Sing si Awanku Ahmad Izz Aiman ng Brunei sa iskor na 5-0, tampok ang malinis na sipa sa ulo sa dulo ng laban na nagbigay sa kanya ng tatlong puntos.

Gayunman, nabigo si Sing, na gold medalist sa 4th Shureido International Karate Cup sa Jakarta noong nakaraang taon, matapos yumuko 1-3 kay Sukrob Sadullayev ng Ukraine sa semifinals.

Sa all-Filipino duel, nanaig si Llup via referee’s decision laban kay Bernardo Fresco matapos magtabla nang walang puntos sa second round.

Subalit sa quarterfinals ay hindi kinaya ni Llup si Abdulrahman Arafat ng Saudi Arabia, na nagtala ng kumbinsidong 14-4 panalo upang makausad sa semifinals. (PSC/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Pinoy Bugsy Ceferino Perry Mariano

Suspects, anim lahat
UTAK, GUNMAN NA PUMASLANG SA PINOY BUGSY TUKOY NA NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN TINIYAK ng Quezon City Police District (QCPD) na hawak na ng pulisya …

060826 Hataw Frontpage

3 Pinoy sugatan sa drone strike sa Kuwait

HATAW News Team TATLONG Pinoy ang iniulat na nasugatan sa drone strike sa Kuwait International …

DHSUD Pag-IBIG Fund Lipa Batangas 4PH Program

Sa pinalawak na 4PH Program ni PBBM
DHSUD, Pag-IBIG Fund nagkaloob ng mga bahay at lote sa Lipa, Batangas

PATULOY na naghahatid ng bagong tahanan para sa mga pamilyang Filipino ang “Pinalawak na Pambansang …

AVC Womens Volleyball Cup

Vietnam nangibabaw, Chinese Taipei umarangkada sa AVC Women’s Volleyball Cup

CANDON CITY — Ipinagpatuloy ng nagdedepensang kampeon na Vietnam ang kanilang dominasyon sa Asian Volleyball …

DOST-PCIEERD WHWise

Strengthening Women Through Innovation: DOST-PCIEERD Highlights WHWise Program for Women-Led Social Enterprises on Tekno PreSyensya

As part of its continuing efforts to promote women empowerment in innovation and entrepreneurship, the …