Friday , December 19 2025

Digital series na “Apple of My Eye” valentine treat nina Marco Gumabao, Krystal Reyes, Bela Padilla sa iWant viewers

Akmang-akma ang venue ng presscon ng “Apple of My Eye,” ang bagong handog ng Dreamscape Entertainment at ni Bela Padilla (co-producer) sa iWant dahil sa tamis ng iba’t ibang flavor ng cup cake sa Vanilla Cupcake sa Kyusi. Yes, pakikiligin kayo nina Marco Gumabao at Krystal Reyes ngayong Valentine’s day sa kakaibang kwento ng kanilang love story sa Apple of …

Read More »

Len Carrillo, tiniyak na pasabog ang This Is Me concert ng Belladonnas at Clique V

TINIYAK ni Ms. Len Carrillo, manager ng Belladon­nas at Clique V na pasabog ang gaganaping concert ng dalawa sa leading teen groups sa bansa na pinamagatang This is Me. Magaganap ang kanilang concert sa Feb. 23 (Saturday), sa SM North EDSA Skydome, 7 pm. “Bawal pang sabihin ang mga production number, pero ang masasabi ko ay pasabog talaga ito kaya dapat abangan …

Read More »

Direk Danni Ugali, thankful sa FDCP sa pagkilala sa The Maid in London

NAGPAPASALAMAT si Direk Danni Ugali sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pagkilala sa pelikula niyang The Maid In London. Kabilang ito sa 86 filmmakers, artists, at mga pelikula na nagbigay-dangal sa bansa noong 2018 sa kanilang pagkapanalo sa globally recognized film festivals. Ano reaction niya na ang kanyang movie na The Maid In London ay kini­lala at pinara­ngalan? …

Read More »

Senado, pikit-mata sa power franchise (Anak kasi ni Sen. Loren…)

PIKIT-MATANG ‘pinaboran’ ng Senado ang pagbibigay ng prankisa sa anak ni Senador Loren Legarda kahit na sinasabing ilegal ito. Mariin itong inihayag ng grupong Anti-Trapo Movement o ATM kaugnay sa nasabing kontrobersiya na kinasangkutan ng mag-inang Legarda. Ayon sa ATM, nakahanda na ang Malacañang na magsagawa ng imbestigasyon sa paratang na si Legarda at ang mga kawani nito ay nakiaalam …

Read More »

Pinoy nurse nanalo ng P1.4-M sa Dubai Shopping Festival

MASUWERTENG nanalo ang isang Filipino nurse ng Dh100,000 o katumbas na P1.4 millyong papremyo mula sa isang mall sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Dubai Shopping Festival (DSF). Sa ulat, nagwagi si Angela Mortos, isang Pinay nurse na naka-base sa Dubai. Nakasali si Mortos sa contest na Million Dirham Wheel ng City Center Mirdif matapos siyang gumasta ng Dh2,000 (P28,000) halaga …

Read More »

Departamento ng OFWs pinamamadali ni Koko

IPINAAPURA ni Senador Aquilino Koko Pimentel III ang pagtatatag ng isang ahen­siya na tututok sa kapakanan ng overseas Filipino workers (OFWs). Tinutukoy ng senador ang paglikha ng Department of OFWs. Ayon kay Pimentel hindi maikakaila ng gobyerno na sa  11 Pinoy isa rito ay nagta­trabaho sa ibayong dagat para mabigyan nang maayos na buhay ang kanilang mga pamilya. Aniya, dapat …

Read More »

Presyo ng petrolyo muling inihirit ng gas companies

MULING nagpatupad nang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa ngayong araw, 12 Pebrero, matapos ang katiting na bawas presyo na ipinatupad kamakailan. Epektibo ngayong 6:00 am, pinagunahan ng Pilipinas Shell,  PTT Philippines , Eastern Petroleum, Phoenix Petroleum, at Petro Gazz ang pagtaas sa presyo na P0.90 kada litro ng gasolina, P0.55 kada litro …

Read More »

3 bagets arestado sa pananaksak sa 32-anyos babae

knife saksak

TATLONG maituturing na kabataan, isang 19-anyos at dalawang edad 20-anyos ang naaresto matapos pagtulungang saksakin ang isang 32-anyos babaeng factory worker sa Valen­zuela City, kamakalawa ng madaling araw. Kritikal ang kalagayan sa Valenzuela Medical Center (VMC) ng biktimang si Judy Capambi, 32-anyos, resi­den­te sa Sampaguita St., Brgy. Punturin sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. …

Read More »

Angkas pilot run aprub sa kongreso, DOTr

Angkas

NAGKASUNDO ang Mababang Kapulungan ng Kongreso at ang Department of Transportation ( DOTr) sa panukalang pilot run ng motorcycle ride-hailing service na Angkas bilang isang test case para sa pagbabalangkas ng angkop na regulasyon para sa motorcycle taxis. Inihayag ni DOTr Assistant Secretary Mark de Leon na dalawang beses nang nagpulong ang Technical Working Group (TWG) na binuo ng ahensiya …

Read More »

74-anyos lola todas sa rider

road traffic accident

NABANGGA ng motorsiklo ang tumatawid na 74-anyos lola habang sugatan  ang driver at angkas nito kamakalawa ng gabi sa Parañaque City. Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa  Parañaque Doctors Hospital dahil sa matinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Melagros Centino, ng Santa Ana Drive, Bgy. Sun Valley ng lungsod. Nilapatan ng lunas sa …

Read More »

LizQuen, itinaon sa promo ng pelikula nila ang pag-aming sila na?

NA-EXHAUST na siguro nina Liza Soberano at Enrique Gil ang lahat ng gimmick kaya just in time for the promo of their movie, inamin na nila sa show ni Vice Ganda last February 10, na more than two years na ang kanilang relasyon. Suffice to say, with the way they carry themselves na parang too intimate na at kasal na …

Read More »

Monsour del Rosario, naalalang siya pa ang naging tulay nina Dawn Zulueta at Anton Lagdameo

Nakausap ng press si Congressman Monsour del Rosario the other day sa Makati City nang namigay siya ng bulaklak at pillows sa masusuwerteng babae sa nasabing lugar. First term palang niya bilang Congressman since he won wayback in the 2016 elections. Why the sudden decision to run for Vice-Mayor this coming election? Tumakbo raw si Vice-President Jojo Binay sa district …

Read More »

Halos one inch na lang ang tumatabing sa keps!

Butt Puwet Hand hipo

Hahahahahahaha! Na-challenge siguro sa pagbongga ng isa pang beauty queen na obvious na higit na bata sa kanya kaya super mega daring na lately ang isang beauty queen. Sa kanyang latest pictorial, mega shocking na halos ga-daliri na lang ang tumatabing sa keps ng babaeng beauty queen. Hahahahahahahahaha! Kung dati’y somewhat conservative naman siya, lately talaga all out na siya …

Read More »

Phillip, laging kabuntot ni Go

WHERE Bong Go goes, Phillip Salvador follows. Saksi ang madlang pipol sa marami nang pagkakataon kung saan namamataang kabuntot ng dating SAP ang action star sa mga aktibidades ng una. Noong idaos ang Gabi ng Parangal ng MMFF last year, na tumayong hurado si Bong, ay sisilip-silip lang sa The Theatre ng Solaire si Kuya Ipe. Sinamahan niya kasi roon si Go (although familiar sight naman …

Read More »

Matteo, bumaklas na sa Star Magic; Derek, naudlot ang proyekto kay Jen

AFTER Xian Lim, si Matteo Guidicelli naman ang sumunod na bumaklas sa Star Magic at ngayo’y nasa pangangalaga ng Viva Artists Agency. Sadya bang nagpa-release si Matteo para sundan ang kanyang rumored girlfriend na si Sarah Geronimo na noong nag-uumpisa’y isa nang Viva talent? With Xian na balitang lilipat sa GMA, maging ganito rin kaya ang career plan ni Matteo? Meanwhile, ang kasado na sanang paglundag ni Derek Ramsay sa GMA is …

Read More »