Thursday , July 7 2022

Kris Lawrence, in demand ang car rentals at ang tindang Gucci at LV bags

BUKOD sa mga pinagkakaabalahan sa musika, ang isa pang tinututukan ni Kris Lawrence ay car rentals at ang tindang Gucci at LV (Louis Vuitton) bags. Practically selling like hot cakes ang mga bags, at ang mga ipinapa-rent niyang kotse ay patok sa mga kliyente niya.

Ayon kay Kris, enjoy siyang pagsabayin ang showbiz at ang pagging negosyante niya. “Yes, nag-e-enjoy ako sa mga business ko and sa showbiz career ko. Although nami-miss ko iyong regular TV shows and TV appearances. Buti may Youtube and internet na ngayon and maraming salamat sa Wish 107.5 for giving us singers such a great platform,” sambit ni Kris.

Saad p ng singer/songwriter, “Okay naman ang business, over the years, I have learned that you should have more than one stream of income, at least three. Para ‘pag pumalpak ‘yung isa, may ibang income ka pa.”

Ano-ano ba ang business niya ngayon? “Iyong rent-a-car business ko ongoing pa rin. Seven units for rent, self-drive.

“May bags din akong for sale. Sinisira ko ‘yung mga branded bags like Gucci and LV, then I make them into customized chest rigs. It’s a military inspired tactical vest pero maraming pockets. Perfect for travel – kasya ang powerbank & cable, passports, wallet, boarding pass, etc. KL Customz… customizing ang tawag sa bags ko is Chest Rig. Gucci Chest Rig/LV Chest Rig, all made from Authentic Gucci & Louis Vuitton bags. They go for P17,999 each. May black, brown, and grey. You can avail of my bags and rental cars thru my social media. Ig – @imkrislawrence Fb – imkrislawrence.

“Also may lending (business) din ako. Part pa rin ako ng TFD (The Filipino Dream) franchising. Mayroon din akong lalabas na line of shades called Rebel and burger called ‘Burger Beast.’ These are under Renegade Concepts headed by Robbie Antonio,” aniya.

Nagkaproblema si Kris kamakailan sa isa sa kotseng ipinaparenta, ngunit na-recover na ito at ang taong gumawa niyon ay wanted na ngayon.

Ano ‘ng ganap sa kanya ngayon sa showbiz. “We’ll have a new show on MTV Philippines, planning a solo concert in November, celebrating my 13 yrs in the industry. Just sang the theme song for Because I Love You, also have an upcoming themesong for Barangay 143, titled Alanganin-duet with Krizza Neri. May bagong single ako called Anong Gusto Mo, its mid-tempo feel good track produced internationally by Neo Tempus, written by Andrew Briol, Knowa Lazarus, and Kris Lawrence. It’s Taglish and I wanted to teach the world at least one line to say to the one you’re courting-‘Lahat ng gusto mo ibibigay ko. Ano bang Gusto Mo?’”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Harlene Budol Hipon Girl

Nicole Budol ginawang inspirasyon mga natatanggap na panglalait

MA at PAni Rommel Placente ISA si Nicole Budol, na mas kilala bilang si Hipon, na isang …

Arjo Atayde Sylvia Sanchez

Sylvia kay Arjo — Iba ka manindigan

PUNUMPUNO ng emosyon at pagmamahal ang post sa kanyang Facebook ang super proud mom na si Sylvia Sanchez sa …

AJ Raval

AJ ‘di buntis, flat tummy ipinagmalaki

MA at PAni Rommel Placente IBINANDERA ng sexy star na si AJ Raval sa kanyang Instagram account ang picture …

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Cristy Fermin Toni Gonzaga

Cristy ipinagtanggol si Toni Lupang Hinirang maayos na nakanta

MATABILni John Fontanilla DINEPENSAHAN  ni Cristy Fermin si Toni Gonzaga sa mga taong nanlalait kaugnay sa pag-awit nito ng Lupang …

Leave a Reply