I-FLEX
ni Jun Nardo
MATAGAL nang nagkabati ang mother ni Ruffa Gutierrez at sister in law niyang si Sarah Lahbati.
Ibinahagi ito ni Ruffa sa launching niya bilang endorser ng Biostile na talagang ang beauty queen-actress ang nag-iisang model nito.
“Okey na sila ni Sarah. Eversince my sister in law passed away (na hindi na binanggit ni Ruffa ang name), okey na sila, Hindi alam ng tao ‘yun.
“Hindi naman lahat ng pangyayari sa isang pamilya, alam natin,” pahayag ni Ruffa sa intimate chikahan with the press.
“I think once a family, always a family,” diin pa niya.
Recovering sa isang sakit si Annabelle na hindi na rin binanggit ni Ruffa.
“Maingay siya uli. Mas mag-worry ako kung hindi siya mag-ingay,“ diin pa ni Ruffa.
Feel na feel ni Ruffa ang amoy ng ineendoso niyang produkto, “Glow in the morning and renew your skin at night.”
Sina Nino Bautista at Red Gatus ang namamahala sa bagong endorsement ni Ruffa.
