MATABIL
ni John Fontanilla
ISA-ISANG ibinahagi ng cast ng VMX film na LapLap na sina Apphle Celso, Rinoa Halili, Marco Mora, at Aerol Carmelo ang ukol sa kanilang role.
Ayon kay Aerol, “I’m portraying the role of Michael. S Michael ay naging boyfriend at karelasyon ni Magnolia (Rinoa).
“Actually wala akong relasyon sa dalawa (Joel and Rosie), si Rosie at si Magnolia ang mag-bestfriend.”
Tsika naman ni Apphle, “Ako naman dito si Rosie, bestfriend ko si Rhinoa (Magnolia), dyowa ko sa movie si Marco (Joel).
“Mayroon akong itinatagong lihim dito at mayroong revalation at ‘yun ‘yung dapat niyong abangan.”
Dagdag naman ni Marco, “Ako naman po si Joel, boyfriend ni Rosie, ako ‘yung pinagpapantasyahan ni Magnolia, pero ang partner niya rito sa movie ay si Michael (Aerol) dahil alam mo na maliit (private part) kaya ako ‘yung natipuhan ni Magnolia, dahil malaki raw ‘yung sa akin,” natatawamg pabiro ni Marco.
Kuwento nga ng tatlo na pare-pareho silang sumabak sa matindring aktingan sa mabibigat na eksena, pero sa tulong ng mahusay nilang direktor ay nagawa nila ng maayos ang kani-kanilang role na ginagampanan.
Bukod sa matitinding drama scene ay dapat din daw abangan ang maiinit at nakakapasong lovescene sa LapLap.
Napapanood na ang LapLap sa VMX mula sa direksiyon ni Dado Lumibao.
