VMX star Sahara Bernales sasali muli sa Reina Filipinas

Sahara Bernales

MATABIL
ni John Fontanilla

WALA pa ring limitations pagdating sa paggawa ng VMX si Sahara Bernales kahit isa ng beauty queen.

“Wala naman, ganoon pa rin. Hindi naman porke’t sumali tayo sa isang pageant eh parang magiging sino ka na, magbabago ka na,” anito.

Dagdag pa ni Sahara, “Ayoko naman makita ng iba na ganoon, na nagbago  na ako porke’t sumali ako ng pageant.

“Basta ganoon pa rin ako, work is work, walang mababago.”

At kahit nga hindi pinalad na manalo sa Reina Filipinas 2026 ay gusto muli nitong sumali sa Reina Filipinas sa mga susunod na taon.

“Of course gusto ko pa rin, ‘yun pa rin Reina ng Filipinas pero hindi ngayon, siguro sa ibang taon.

“Pangarap ko kasing manalo at magkaroon ng korona.

“At saka bata pa ako pangarap talaga ng father ko na maging beauty queen ako,” lahad pa ng dalaga.

Mahilig si Sahara sa mga lalaking mapuputi at tsinito, pero nagagwapuhan din ito sa mga aktor na moreno katulad ni Donny Pangilinan.

“Si Donny Pangilinan po TDH (tall, dark and handsome), guwapong moreno, siya po ‘yung type ko sa mga moreno actor.”

Habang sa babaeng morena ay gandang-ganda siya kay VMX star Angela Morena.

“Si Angela Morena gandang-ganda ako sa kanya at napakabait.

“Actually, kaibigan ko siya, and super close namin at isa siya sa tinitingala kong VMX artist, nauna siya sa akin.

“So noong bago bago pa ako, bago pumasok tinitingnan ko talaga siya parang ang galing niyang umarte talaga.”

Mapapanood si Sahara bilang host sa pelikulang  Morena simula sa Dec. 1 sa VMX directed by Ray Gibraltar.