Snooky dinepensahan si Maricel: I know her better than anyone else

Snooky Serna Maricel Soriano

MA at PA
ni Rommel Placente

IPINAGTANGGOL ni Snooky Serna ang kaibigang si Maricel Soriano laban sa mga basher nito.

Usap-usapan kasi ngayon sa social media ang video interview kay Maricel sa isang presscon na pinuna ang itsura ng mukha habang nagsasalita.

Pinutakti ng mga negatibong komento mula sa mga netizen ang premyadong aktres habang nabahala naman ang ilan sa kanyang mga tagasuporta hinggil dito.

“Sa totoo lang, nakikita ko paminsan-minsan pero I’d rather not… hindi ko sila gino-glorify. Kasi, what for? Bakit mo igo-glorify ‘yung mga nega? 

“Ako, ang feeling ko naman sa mga ‘yan, kasi ‘yung mga nagne-negative comment, mga either bored sa buhay ‘yan, walang magawa or self-righteous,” sabi ni Snooky.

“Feeling niya mas nakaaangat, mas marunong kaysa ibang tao, ‘yung mas magaling sa amin, ‘di ba? Kaya naman ang mga ito galit sa mundo, ‘di ba?

“Pero lately, hindi ko nakikita ‘yung mga lumalabas na pinaka-very late. Kasi nga, kapag may nakikita akong bad tungkol kay Maricel, ooopps! ‘Ayoko nang basahin ‘to.’

“Kasi ayokong ma-corrupt ang aking brain. What for? Hindi ko naman ikagaganda, ikagaganda talaga, o?!” katwiran pa ni Snooky.

Pagpapatuloy pa niya, “Pero minsan nakapatol na ako, kaya siguro nga I’ve learned my lesson na, ‘ooopps, mag-count to 10 ka na lang muna, ‘wag mo na lang patulan.’ 

“Kasi una sa lahat, hindi mo naman ikabubuti ito. It’s not going to make me a better Christian. 

“Ikalawa, hindi mo naman ikababata. Pangatlo, hindi mo naman ikagaganda, so ‘wag na ‘no, pati hindi mo naman ikayayaman, pabayaan na lang. I know her (Maricel) better than anyone else,” dagdag pa ni Snooky.

“It’s not going to make me a better person. It’s not going to bring me closer to God or glorify God. It’s not going to make me prettier, it’s not going to make me richer, eh, ba’t pa natin bibigyan ng panahon? ‘Wag na, ‘no. I don’t have time for them. I dont have time for them!?” aniya pa.