Saturday , November 27 2021

Dolce Far Niente Wellness Spa ni Ced Torrecarion, bukas na

NAGBUKAS na ang second branch ng Dolce Far Niente Wellness Spa ni Ced Torrecarion na ang translation ay Sweetness of Doing Nothing. Second branch na ito nina Ced, bale business venture nila ito ng GF na si Lian Lazaro. Ang unang branch nila ay sa Guadalupe, Makati, bandang likod ng MMDA, EDSA.

Ang bagong branch nila ay located sa #53-A, Project 6, Quezon City, malapit sa Visayas Avenue. Ipinahayag nila kung bakit naisipang magtayo ng spa business.

Saad ni Lian, “Lahat ng tao ngayon stressed, ‘di ba? So pa­rang, even us, sa showbiz, sa business, pa­rang gusto na­man namin na at least nan­doon lang tayo, tapos hindi tayo stressed, kaya spa. Mag-five months na kami doon sa Makati, maganda naman po ang takbo ng business. Then, we decided na mag-put up ng branch dito sa Quezon City kasi most of our home services, dito nanggagaling sa QC. So, mayroong hotel, may mga residential, and then ‘pag may mga event din like basketball and usually sa tapings, nagre-request sila ng masahista. So ipinapadala namin ‘yung mga therapist. They can check our Instagram and FB page.”

Wika naman ni Ced, “Then for example, if I also have games in UP or Claret, ‘yung mga brothers namin doon, ganoon din. Kumbaga, we call it Dolce on the Road, e. Kasi sometimes sa hirap ng travelling, we tend to bring Dolce everywhere, where you need it. Mas convenient ‘yung ganoon, e.”

Binigyan diin din ni Ced na strictly business ang kanilang spa. “Ang aming spa, sobrang clean and proper kaming lahat. Even our therapists, we’re very strict with how they look. They should look clean, they should talk clean and they act clean. That’s our tagline: Clean Massage Only.

“Ang aming therapist, they are well trained and all of them ay may national certificate mula sa TESDA. Each therapist ay may specialty, may panghilot, pang-athletic, pang-wellness… and they won’t touch you unless they asked you if you were operated na or what’s your medical history, if you have high blood pressure, iyong mga ganoon,” wika ni Ced na napapanood ngayon sa Los Bastardos ng ABS CBN.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

CINEMA 76

Cinema ‘76 Anonas ligtas at family friendly

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKATUTUWANG unti-unti nang nagbubukas ang mga sinehan. Sa dalawang magkasunod …

CINEMA 76 Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings

Cinema ’76 perfect sa movie bonding ng pamilya

FACT SHEETni Reggee Bonoan ANG pelikulang Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings ang …

ABS-CBN iQiyi

ABS-CBN at IQIYI sanib-puwersa sa paggawa ng mga orihinal na seryeng pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris V. Nicasio NAGSANIB-PUWERSA ANG  global streaming service na iQiyi at ABS-CBN sa paggawa ng apat na …

Jackeline Chua Jyotirmoy Saha PopTV

Unang in-transit streaming service sa mga bus, kasado na
POPTV MAGPO-PRODUCE NA NG SARILING SHOWS

SHOWBIZ KONEKni Maricris V. Nicasio NAGSIMULA na noong Linggo ang pinakabagong handog ng all-Pinoy streaming app ng POPTV, ang POPTV …

SM CITY GRAND CENTRAL

The Grand Opening of SM City Grand Central

In the thriving center of Caloocan City, a grand mall has found a new beginning. …

Leave a Reply