Friday , November 15 2024

Duterte suportado ng Macau Triad?

IBINUNYAG ng isang taga-Davao City na suportado ng mga Chinese drug lord ang kandidatura ni Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte kaya biglang itong nagkapondo habang papalapit ng halalan.

Ayon kay Steve Borbon, tubong Batangas pero nakabase ngayon sa Davao City, kalat na kalat sa intelligence community na tumanggap si Duterte ng $150 milyon sa Macau Chinese Triad sa pamamagitan ng isang dating opisyal ng pulisya na na-link noon sa Bulacan-based drug lord na si Rey Pareña.

Tumanyag si Pareña noon dahil sa kaugnayan niya sa Chinese-Filipino drug lord na si Alfredo Tiongco at naging publisher pa siya ng isang tabloid bago napatay ng mga hinihinalang miyembro ng 14-K drug syndicate sa Plaridel, Bulacan.

Naunang kinondena ng Kilusan Kontra Katiwalian at Kabulukan (4K) si Duterte bilang utak ng Davao Death Squad (DDS) na ang nililikida lamang ay maliliit at inosenteng kriminal, pati ang mga kabataan.

“Hindi ba nagtataka ang sambayanan na pulos pipitsugin lamang ang napapatay ng DDS at walang malaking drug lords?” ayon sa pahayag ng 4K. “Bakit walang ginalaw ang DDS na big fish lalo ang ilang senador na sangkot sa narco politics? Dahil ba kakampi niya at may alam siya sa drug trafficking sa Visayas at Mindanao?”

Nagparatang pa ang 4K na sa laki ng ginagastos ni Duterte lalo sa media at social media operations nito ay tumanggap siya ng campaign fund sa Macau Chinese triad dahil batid naman ng lahat na wala siyang pagkukunan ng pondo kaya bantulot tumakbo sa simula ng halalan.

“Hindi lamang berdugo si Duterte kung totoong inamin niya na mahigit 1,700 katao na ang napatay ng DDS niya sa buong Davao na mas mataas pa sa pagtataya ng Amnesty International na 700 katao,” dagdag ni Pineda. “Barbaro ang kanyang pamamaraan kaya tiyak na mauulit sa Pilipinas ang nangyari sa Cambodia nang pagharian ito ng komunistang Khmer Rouge na mahigit dalawang milyon katao ang biktima ng genocide o maramihang pagmasaker mula 1976 hanggang 1979 lamang,” dagdag ni Pineda.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *