Friday , November 15 2024

Street dweller tumalon sa QC underpass, todas sa hit and run

PATAY sa hit and run ang isang 30-anyos street dweller makaraan tumalon mula sa EDSA-Quezon Avenue westbound underpass nitong Linggo.

Ayon sa street sweeper na si Leonides Latoria, ang biktima ay isang street dweller sa lugar.

Aniya, nakita niya ang biktima habang naglalakad sa underpass dakong 6 a.m. at pagkaraan ay biglang tumalon.

Nang bumagsak ang biktima, isang Kelly bus (UVU-399) ang sumagasa sa kanya at nakaladkad pa ng nasabing sasakyan na kanyang ikinamatay.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng bus driver na tumakas makaraan ang insidente.

Ang nalasog na katawan ng biktima ay dinala na sa punerarya.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *