Friday , November 15 2024

INC lumago sa suporta (Kauna-unahan sa kasaysayan)

1215 FRONTSA KAUNA-UNAHANG pagkakataon mula nang maitatag sa Filipinas, ngayon higit na natatamasa ang mabilis na paglago dahil sa suporta mula sa loob at labas ng Iglesia ni Cristo (INC).

Mahigit 17 kapilya ang naipatatayo at isinasaayos kada buwan mula nang mag-umpisang mangasiwa  si Ka Eduardo V. Manalo noong Setyembre 2009 – dahil sa pagbuhos ng suporta ng mga miyembro na “pa-tuloy ang pagyakap sa pananampalataya at taos-pusong nananalig sa pagpapalaganap ng ebanghelyo.”

Ito ay ayon sa tagapagsalita ng INC na si Edwil Zabala kasabay ng pahayag ngayong Lunes na nasa 1,091 ang mga kapilya sa Filipinas na “naihandog” sa ilalim ng pamumuno ni Manalo, na sinalo ang pangangasiwa ng Iglesia matapos ang pagpanaw ng amang si Ka Eraño G. Manalo noong Agosto 2009.

Bukod pa ito sa marami pang mga kapilyang naipatayo sa ibayong dagat.

“Ang mga bagong kapilyang ito ay bantayog na patunay sa kabutihang-loob ng mga kapatid. Ngayon lang nangyari sa kasaysayan ng Iglesia ang ganito kainit na suporta,” ayon kay Zabala.

Kabilang sa mga lalawigang may bagong patayo at bagong ayos na kapilya ang Bataan, Benguet, Bulacan, Cavite, Camarines Sur, Cebu, Cotabato, Davao Del Sur, Davao Oriental, Iloilo, Laguna, La Union, Leyte, Nueva Ecija, Negros Occidental, Palawan, Pangasinan, Rizal, Tarlac, at Zambales. 

Maraming kapilya rin sa Metro Manila ang “inihandog,” kabilang ang mga itinayo sa mga lungsod ng  Caloocan, Malabon, Manila, Muntinlupa, Navotas, Pasay, Pasig, Taguig, at Quezon City,

Ayon sa Ministro, lahat ng miyembro ng INC ay malayang nakapagbibigay ng kahit na anong suporta sa mga hakbang ng pangasiwaan tungo sa pagpapalago ng Iglesia, “at nakatataba ng puso ang makita ang bunga ng kanilang kabutihan at pakikiisa; iba kasi talaga pag nakikita mo kung saan napupunta ang tulong mo.”

Makikita sa resulta ng pagtatalang isinagawa sa buong bansa ng National Statistics Office noong 2010 na pangatlo na sa pinakamalaking relihiyon sa Filipinas ang Iglesia ni Cristo na 2.45 percent ng populasyon ay kapanalig nito – kasunod ng  mga Katoliko at Islam.     

Sa kabila ng mga “gawa-gawang kontrobersiya” at “nuisance cases” na ayon kay Zabala ay sadyang nakaumang sa pagkakawatak-watak ng mga kapatid, “patuloy ang mabilisan at matatag na paglago ng INC.”  

“Naniniwala ako na ang mga nagawang ito sa nagdaang taon ay buhay na patotoo sa pananampalataya ng mga kapatid na batid ang katotohanan sa gitna ng mga hamong kinakaharap ng Iglesia. Ang amin lamang pong palagiang dalangin ang biyayan ng kalinawan ang aming mga kritiko at ang matigil na ang paninirang isinasadlak nila sa amin.”

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *