Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hostage taker sa bus utas sa parak (Coed tinutukan, pasahero nagpulasan)

hostage taftPATAY ang isang hindi nakilalang lalaking hinoldap at ini-hostage ang isang college student sa loob ng isang pampasaherong bus, makaraang barilin ng isang opisyal ng Manila Police District-Police Station 5 na nagresponde sa insidente kahapon ng hapon sa Pedro Gil, Ermita, Maynila.

Hindi na umabot nang buhay sa Philippine General Hospital (PGH) ang suspek na may gulang na 30-35 anyos, tinamaan ng bala sa tiyan na tumagos sa taligiran at sa kaliwang dibdib, armado ng isang improvised icepick.

Tumagal lamang ang insidente ng 30 minuto na nagsimula dakong 2:20 p.m. sa southbound malapit sa panulukan ng Pedro Gil St., Ermita, Maynila.

Hindi na nagkaroon ng negosasyon dahil binaril na ni Senior Insp. Dionel Brannon, hepe ng Lawton Community Precint ,ang suspek nang makakita nang tiyempo nang makalapit sa bus  (TYV-303) na may biyaheng Starmall Alabang, pag-aari ng HM Transport, at minamaneho ni Mario  Olivar.

Ayon sa pasaherong si Marigold Nicolas, 35, ng GMA-Cavite, sumakay sa bus ang suspek sa Lawton.

“Yong una niyang tinabihan lalaki, nakahalata siguro na may masamang pakay, kaya yung lalaki bumaba pagdating sa may City Hall, nagsalita pa nga yung lalaki dun sa suspek nang “Bakit mo ba ako sinusundan?” at maging sa driver nagsalita pa nang ayaw akong pababain nito,” ayon kay Nicolas.

Pagkaraan, kinalawit at tinutukan ng suspek ang babae na nakapagsalita pa ng “Kuya huwag ako,” ayon sa katabi ng biktima na si Maria Fe,18, estudyante.

Kasunod nito, nagtalunan ang mga pasahero sa bintana sa likurang bahagi ng bus. Habang ang driver na si Olivar at konduktor ay bumaba sa pintuan.

Naiwan sa loob ng bus ang suspek at ang hostage na estudyante ng Technological University of the Philippines (TUP). Sa puntong ito, pinalibutan ng mga pulis ang nasabing bus.

Nang makita ng estudyante ang paglapit ng mga pulis, yumuko siya at pagkaraan ay binaril ni Brannon ang suspek na agad tinamaan.

Isinugod sa PGH ang suspek ngunit hindi na umabot nang buhay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …