Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

9 patay, 3 sugatan sa bumaliktad na van (Driver nakaidlip)

1004 FRONTKIDAPAWAN CITY – Siyam ang patay habang tatlo ang malubhang nasugatan sa bumaligtad na pampasaherong van dakong 2:45 a.m. kahapon sa probinsiya ng Cotabato.

Ayon kay Cotabato PNP provincial director, Senior Supt. Alexander Tagum, lulan ang mga biktima sa isang pampasaherong D4D van (LHM-995) mula sa Davao City patungong Kabacan, Cotabato ngunit pagsapit sa Brgy. West Patadon sa bayan ng Matalam, Cotabato, bigla itong nagpagiwang-giwang sa kalsada hanggang bumangga sa malaking punongkahoy.

Dahil sa lakas ng pagkabangga ng van, walo agad ang binawian ng buhay at isa ang dead on arrival sa Babols Hospital sa Matalam. Habang tatlo ang nasa maselang kondisyon.

Marami ang naniniwala na posibleng nakaidlip ang driver na naging dahilan ng insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkakakilanlan ng mga biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …