Sunday , December 22 2024

Pulis na sangkot sa illegal drug trade tututukan ng PNP

TINIYAK ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ricardo Marquez na masisibak sa serbisyo ang mga pulis na protektor at sangkot sa illegal drug trade.

Ito’y makaraang mabatid ng heneral ang pagkakasangkot ng ilang pulis sa ilegal na mga aktibidad gaya ng pagbebenta ng droga habang ang ilan dito ay naaresto sa isinasagawang buy-bust operation.

Dahil dito, mahigpit na pinatututukan ni Marquez sa PNP AIDSOTF ang mga pulis na sangkot sa illegal drug operation.

Sinabi ni Marquez, walang puwang sa police organization ang mga pulis na nagbibigay ng negatibong imahe sa organisasyon

Iniutos ni Marquez sa PNP-AIDSOTF na tukuyin, arestuhin at kasuhan ang mga pulis na sangkot sa drug operation lalo na ‘yung mga nagsisilbing protektor.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *