Thursday , June 4 2026

Biyenan pinatay, tinangkang gahasain ng manugang

NAGA CITY – Bagsak sa kulungan ang isang lalaki makaraang mapatay sa bugbog ang kanyang biyenan na tinangka niyang gahasain sa bayan ng Sagñay, Camarines Sur kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Fernando Amata, 40-anyos.

Ayon kay Senior Insp. Chester Pomar, hepe ng PNP-Sagñay, biglang pumasok ang suspek sa bahay ng biktimang si Salvacion Pante, 59-anyos.

Posibleng tinangkang gahasain ng suspek ang biktima kaya nanlaban.

Dahil dito, pinagsusuntok ng suspek sa dibdib ang biktima na naging dahilan ng agaran niyang kamatayan.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alamang nakababa ang shorts ni Pante nang maabutan ng isa sa kanyang mga anak, at wala nang buhay.

Nasa impluwensiya ng alak ang suspek nang mangyari ang krimen.

Natukoy ang suspek dahil sa naiwang gamit sa loob ng bahay ng biktima.

Hindi na rin nagawang itanggi ng suspek ang krimen dahil may nakakita sa kanyang pambubugbog sa biktima.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek na nakatakdang sampahan ng kasong murder.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …