Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Filipino ang wika ng pambansang kaunlaran (Sa Buwan ng Wikang Pambansa 2015)

PUNO ng mga makabuluhang gawain at aktibidad ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong Agosto 2015. Sa pa-ngunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ang pagdiriwang ay may temang Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran.

Opisyal na bubuksan ng KWF ang pagdiriwang sa unang linggo sa pamamagitan ng pagtataas ng watawat sa Agosto 3 sa Lungsod Taguig. Tampok din sa unang linggo ng buwan ang pagdaraos ng makasaysayang Pambansang Kongreso sa Pagpaplanong Wika na gaganapin sa Sison Auditorium, Lingayen, Pangasinan mula Agosto 5-7.

Bukod sa kongreso, magdaraos din ang KWF ng serye ng seminar sa korespondensiya opisyal na gaganapin sa iba’t ibang ahensiya at lokal na pamahalaan.  Kikilalanin naman ang mga indibidwal na nagwagi sa Gawad sa Sanaysay at bibigyan ng gawad gaya ng Dangal ng Wika, Kampeon ng Wika, Ulirang Guro sa Filipino sa KWF Araw ng Gawad na gaganapin sa 19 Agosto, Sulo  Riviera Hotel.  Sa Agosto 24, ilulunsad ng KWF ang mga bago nitong aklat na nasa ilalim ng Aklat ng Bayan sa Pambansang Museo

Ang mga Sentro ng Wika at Kultura (SWK) at ilang kolehiyo at pamantasan ay magkakaroon din ng kani-kanilang paraan ng pagdiriwang. Magsisimula ang unang salto ng mga patimpalak ang tagisan ng talino, pagsulat ng islogan, at paggawa ng poster na gaganapin sa Western Mindanao State University. Pagkaraan ng panayam sa Lyceum of the Philippines University sa 11 Agosto, idaraos ang Uswag: Dangal ng Filipino sa Island Garden City ng Samal sa 12–14 Agosto. Sa 14 Agosto, na ika-24 taóng anibersaryo ng KWF, magkahiwalay na magaganap ang pagtatanghal ng mga dulang Ilonggo sa Western Visayas State University at Kumperénsiyá sa Wika at Panitikan sa Bulacan State University.

Magiging mahalagang bahagi ng okasyon ang mga patimpalak. Sa 17 Agosto, magkakaroon ng kontest para sa pagsulat ng sanaysay sa Western Mindanao State University. Sa 19 Agosto, magtatagisan ang mga kalahok para sa masining na pagkukuwento at dagliang talumpati sa West Visayas State University at magpapatalbugan din ng kani-kanilang kasuotan ang mga kalahok para sa sayaw at kasuotang Tausug; ang mga mambabalagtas ay magpapasiklaban sa timpalak balagtasan sa Western Mindanao State University sa 21 Agosto.

Idaraos ang magkasunod na forum sa Ortograpiya sa Sulu State University sa 26–27 Agosto. Kasabay nitong magaganap sa 26–28 Agosto sa Ateneo de Manila University ang “ASEAN Literary Forum” ng Unyon ng Manunulat sa Pilipinas (UMPIL).

Magtatapos ang pagdiriwang sa Buwan ng Wika sa Ateneo de Manila University sa 29 Agosto sa gagawing “Kongreso ng mga Manunulat” na pangangasiwaan ng UMPIL.O

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About jsy publishing

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Dennis Roldan Paolo Gumabao Spring In Prague

Dennis pangarap sa anak na si Paolo para magbida natupad

RATED Rni Rommel Gonzales NATUPAD ang pangarap ni Dennis Roldan para sa anak na si Paolo Gumabao. Kapag …