Thursday , January 16 2025

SSS sinisi ni Belmonte

TAHASANG sinisi ni House Speaker Feliciano Belmonte ang pamunuan ng Social Security System (SSS) kung bakit naipasa ang pension hike bill nang wala ang kaakibat na dagdag poder sa SSS board.

Ayon kay Belmonte, napakatahimik ng liderato ng SSS sa panahong tinatalakay ang bill kaya hindi nailakip ang pagbibigay ng kapangyarihan sa board.

Puro subbordinates at legal counsel aniya ang ipinadala ng SSS noon sa mga pagdinig sa pension hike bill.

Dahil dito, hindi naipaliwanag nang husto sa mga kongresista kung gaano kabigat ang magiging epekto nito sa pinansyal na katayuan ng ahensiya.

Kaya nang mapagtibay ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang dagdag pensiyon, biglang nagkumahog ang mga opisyal ng SSS dahil hindi na alam kung ano ang kanilang gagawin.

About jsy publishing

Check Also

011625 Hataw Frontpage

PBBM nilagdaan PH Natural Gas Industry Dev’t Act

GANAP nang batas ang Republic Act No. 12120 matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, …

Sa Tawi-Tawi 121 pasahero nasagip ng Navy mula sa stranded na barko

Sa Tawi-Tawi
121 pasahero nasagip ng Navy mula sa stranded na barko

NASAGIP ng Philippine Navy ang 121 pasahero ng isang istranded na barkong naiulat na nawawala …

Daniel Fernando Bulacan Marcelo H Del Pilar National High School

Kaligtasan ng mga pasilidad sa mga paaralan tiniyak ni Fernando

“MAKAAASA po kayong patuloy ninyong magiging katuwang ang inyong lingkod sa pagbibigay ng ligtas at …

QCPD Quezon City

QCPD sinamahan sa pinagtapunan ng  bangkay
Suspek sa kidnap-slay sa QC trader, umamin sa pagpaslang sa 2022 missing person

ISA pang kaso ng pagpaslang ang nalutas ng Quezon City Police District (QCPD) sa pagkakalutas …

Apo sa pamangkin minolestiya lalaki kinulata bago arestohin

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang 43-anyos na lalaki dahil sa alegasyong panggagahasa sa 4-anyos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *