Thursday , June 4 2026
Sharon Cuneta Gabby Concepcion
Sharon Cuneta Gabby Concepcion

Development ng career ni Sharon, bumilis (dahil sa commercial nila ni Gabby)

NOONG 10:00 p.m. ng Martes, ini-announce ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram na @reallysharoncuneta na naka-iskedyul nang magsimula ang kanyang Mega Tour sa SMX Bacolod sa June 1, 2018.

Mukhang bumibilis ang mga development sa career ng megastar. Maaaring resulta iyon ng matindi at napakalawak na pagtanggap ng madla sa McDonald commercial ng ex- couple na Sharon at Gabby Concepcion.

Maaaring isa sa mga susunod na development ay naghahanda na ang Star Cinema ng story and script proposals para sa reunion movie ng dalawa.

Puwede ring ibang kompanya ang mag-propose ng pelikula sa ex-couple. Isang kompanya na afford ang siguradong multi-million talent fees nina Sharon at Gabby.

Siguradong hindi pwedeng package deal ‘yung dalawa dahil magkaiba sila ng managers. (Incidentally, parang walang kakibo-kibo ang respective manager nina Gabby at Sharon na tiyak kumita rin ng malaki sa matagumpay na pagsasama ng dalawa.)

Obviously, kaya ang McDonald ang nakapag-sign up sa dating magsing-irog ay dahil sila ang afford na afford ang ‘di-kakarampot lang na individual talent fee nila.

Parang wala namang exclusive movie contract si Sharon sa Star Cinema. ‘Di nga ba’t nakagawa pa siya ng indie film sa Cinemalaya last year?

Tungkol naman sa Mega Tour n’ya, actually ay wala pa siyang ini-announce na ibang detalye maliban sa petsa at venue ng unang concert. Masyado kayang magiging magastos para sa concert producer na kuning  guest si Gabby?

Samantala, si Gabby din nga pala ay nag-post sa kanyang Instagram (@concepciongabby) na endorser siya ng Skinlux derma clinic sa Greenhills Promenade.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Isha Ponti

Isha Ponti walang isyu sa taguring Asia’s Pop Sweetheart 

HARD TALKni Pilar Mateo ANG tanong ko sa kanya kung ano ang likas sa isang Isha …

Joel Lamangan Vean Cancino Olmedo

Joel Lamangan nabighani sa ganda at galing ni Vean Cancino Olmedo

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWANG Sabadong nagsilbing hurado sa pagtatanghal ng mga bagong sumabak sa …

Alfred Vargas Yasmine Espiritu-Vargas

 Alfred at Yasmine umapela: mga ebidensiya binalewala

UMAPELA ang mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine sa Manila Prosecutors’ Office na suriing muli ang resolusyong nagbabasura sa isinampa …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …