Wednesday , May 29 2024
Fernando Poe Jr, FPJ, Robin Padilla, Sharon Cuneta, Coco Martin

Pagtawag ng Ma’am ni Robin kay Sharon, kay Da King nakuha

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

DREAM come true kay Sharon Cuneta na mapasama sa longest running series ng ABS-CBN, ang FPJ’s Ang Probinsyano dahil halos lahat ng big stars sa showbiz industry ay nakapag-guest na.

Sabi nga niya, “Parang hindi pa ako kinakalabit, ah? Hayan na, kinalabit si Coco, ha, haha.”

At higit sa lahat bilang tribute na rin sa nag-iisang Da King na si Fernando Poe, Jr. na naging bestfriend niya.

“FPJ was my best-best friend in the business,” balik-alala ng Megastar. “I really wanted to be a part of this because Coco has maintained FPJ’s legacy and made it shine even brighter. So, I’m grateful to Coco for that and Tita Susan [Roces] also because this really belongs to FPJ and I’m glad that I’m finally going to be a part of it as my tribute to him.”

Natanong ang Megastar kung ano ang mga hindi niya malilimutang alaala kay FPJ.

“Our nickname for each other is ‘Clatfoot’ kasi when we were shooting ‘Kahit Konting Pagtingin Part 1,’ nasa field kami naka-wedding gown ako, buong gabi na kaming nagso-shoot tapos sumilip siya sa camera sabi niya, ‘Dali-dali nandy’an na ‘yung clatfoot.’ Sabi ko, ‘what’s clatfoot?’

“Sabi niya, ‘It’s the sun, it can stand for anything, it could mean anything.’ Sabi ko, ‘Clatfoot?’ Tapos nag-stick na.”

Nabanggit din ni Sharon ang huling sandaling nandoon siya sa simbahan na inaayusan ang labi ni Da King na 4:00 a.m. ay naroon siya.

 “I was the first one there, I was with Kuya Mar De Guzman-Cruz and then I talked Tita Susan (Roces) on the phone and she said, ‘Shawie, wala na ang Clatfoot mo.’”

Pero hirit ni Sharon na mas gusto na lang niyang alalahanin ang magaganda at masasayang memories nila ni FPJ.

“Memorable experiences? Marami. ’Yan ang ninong ni KC [Concepcion], siya nagturo kay KC mag tong-its, mag-pusoy… kasama ko sa set kasi si KC noon kahit sa ‘Konting Pagtingin Part 2.’

“Tapos minsan, nandito ako sa ABS for the taping ng opening of music video of my show, ‘The Sharon Cuneta Show.’ Parang Saturday morning ng madaling araw, he called me. ‘Clatfoot, punta ka rito.’  Sabi ko, ‘Ay nagsu-shoot po ako.’ Sabi niya, ‘Sige na, nagyayabang ako rito…’

“Alam mo where he made me go? Malapit sa Sto. Domingo Church, may isang sari-sari store tapos ‘yung lolang nagtitinda roon, suki niya. ‘Sabi sa inyo kilala ko si Sharon Cuneta. Ayan, napapunta ko rito,’” tawa ng tawang kuwento ng aktres sa ginanap na virtual mediacon nito hosted by Gretchen Fullido ng TV Patrol.

Dagdag pa, “Malapit lang kasi kaya pumunta ako. Tapos ’yun lang, uminom lang ako ng soft drinks tapos bumalik na ako rito (ABS-CBN).

“Tapos ’yung tatawag siya, ‘Clatfoot, you have food in your house?’ Sabi ko, ‘Nothing. I want to sleep but I cannot…’ Sabi niya, ‘Kain tayo.’ Lalabas kami kahit anong oras. I miss that.”

At dito na nakuwento na ang pagtawag ng Ma’am sa kanya ni Robin Padilla ay nagsimula pala kay FPJ.

“Dumadalaw siya (Da King) sa set ko, sa set namin ni Robin…sa first or second day ng ‘Maging Sino Ka Man.’ Dumalaw siya.

“Tapos sabi niya kay Robin, ‘Ikaw, ako alaga ko ’to, ah. Alagang-alaga ko si Ma’am—doon nag-umpisa si Ma’am, kay Clatfoot!

“So, parang napulot ni Robin doon. Hanggang ngayon, Ma’am tawag sa akin, eh. Hahaha!” nakatawang sabi pa ni Megastar.

Dagdag pa,“Itong si Ma’am, alaga ko ‘yan. Pag magba-banyo ’yan, kailangan gentleman ka.’ Kaya ngayon si Robin ‘pag magba-banyo ako, talagang (nakabantay). Kahit sinong leading lady niya. I guess, nakuha niya ‘yun sa mga katulad ni Da King. 

“Tapos sabi pa n’ya (kay Robin) ‘Pag kayo nagkaroon ng eksenang yakapan, ‘pag nakita kong masyadong masikip, masyadong tight (muwestra ni Sharon), ’yung yakap mo tapos gumalaw ang damit niya, poks kita ha!’ Hahaha! Niloloko niya si Robin.”

Automatic din na kapag dumalaw si FPJ sa shooting ay humihinto kahit pa sino ang direktor tulad niyong movie nila ni Rudy Fernandez.

“’Pag dumadalaw si Manager, si Clatfoot, stop lahat. Wala, kuwentuhan. Tapos, masaya lahat. Masaya ’yung staff, masaya ’yung crew. S’yempre dinadalaw ka ng legend. At saka close ako sa kanilang mag-asawa. Hindi lang sa kanya.”

At inamin ni Sharon na marami ang naging papel ni Da King sa buhay niya.

“I found parang ano, in FPJ, I had a father, a friend, a brother, a protector.

“Ang sarap sumbungan kasi alam mo si FPJ siya. Hahaha! ‘Pag may umapi sa ’yo, alam mong to the rescue siya. Para siyang knight in shining armor sa aming lahat hindi lang sa akin pati sa boys at saka sa girls. Siya ‘yung pinaka-head ng family sa showbiz.

“So, I really miss that. So, many memorable experiences with FPJ po. I can’t pick just one and this is our tribute to him and I’m honored to be part of the show.”

Ang itinuro sa kanya ni Da King, “Ang dami kong natutunan sa pakikisama sa tao… kung bakit siya tinawag na Da King? Hindi ’yung persona niya kundi ’yung nakasama mo siya bilang tao—very humble. The biggest stars that I’ve worked with are the most-humble. Yeah that’s 100%. ‘Yung mga may ere, hindi ko na nakikita ngayon. Hahaha!

“So, si FPJ ehemplo. Parang si Tito Dolphy. Ehemplo ng humility. Kung paano dalhin ’yung responsibilidad na mayroong ini-expect sa’yo ’yung tao dahil binigyan ka nila ng title. You only take that seriously because you want to give them what they expect or even more.  He was a good person, humble, kind.”

Anyway, abangan ang paglabas ni Sharon sa FPJ’s Ang Probinsyano gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube Channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix.

About Reggee Bonoan

Check Also

Alfred Vargas Piolo Pascual FAMAS

Best Actor award ng FAMAS sinungkit ni Alfred Vargas, ka-tie ni Piolo Pascual

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAPALUNAN ni Alfred Vargas ang kanyang unang FAMAS Best Actor …

Kris Bernal Hailee Lucca

Kris Bernal problema pa rin paghahanap ng yaya sa anak

MATABILni John Fontanilla MAY isang taon na pala simula nang mag-post si Kris Bernal sa kanyang social …

Eva Darren FAMAS Sheena Palad Tirso Cruz III

Kontrobersiya laging kakabit ng FAMAS

I-FLEXni Jun Nardo HAYAAN na ninyo ang FAMAS. Humingi na rin naman ito ng apology sa …

Mic Singing

Singer alsa balutan sa holding area nang sabihang ‘Bakla Ka!’ ni Gay make up artist 

I-FLEXni Jun Nardo TINAWAG na bakla  ng isang gay make up artist and stylist ang isang klosetang singer nang …

FAMAS

FAMAS nakabawi na sana nabahiran pa ng pang-iisnab

HATAWANni Ed de Leon NAKATUTUWA nga sana ang FAMAS sa taong ito. Kasi binigyan nila ng pagkilala …