Tuesday , April 23 2024
Tito Sotto, Sharon Cuneta, Kiko Pangilinan

Sharon umiwas sa banggaang Tito-Kiko?

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

MUKHANG magtatagal sa Amerika si Sharon Cuneta para makaiwas sumagot sa tanong kung ano ang nararamdaman n’ya na biglang magkatunggali sa hangaring maging vice president ng bansa ang mister n’yang si Sen. Kiko Pangilinan at ang malamang ay ang favorite uncle n’yang si Sen. Tito Sotto. 

Dati nang magkalaban sa politika ang dalawang senador dahil magkaiba sila ng partido. Ngayon lang nangyari na direkta silang maglalaban para sa posisyon ng vice president. Katiket ni Tito si Sen. Pamfilo Lacson bilang presidential candidate at si Kiko naman ay kaalyado ni incumbent vice president Leni Robredo

Nakakagaan naman siguro ng loob ni Sharon na ang anak n’yang panganay na si KC Concep­cion  ay tahasan nang nagpahayag ng suporta sa kanyang “dad” na si Kiko. 

Malamang na ikinatutuwa rin ng megastar na kahit na tahasang ini-”endorse” ni KC ang stepdad n’ya, wala namang sinabi ito laban sa uncle Tito n’ya. 

Ang malamang na ikina-upset ni Sharon ay ang pahayag ni Ciara Sotto, bunsong anak ng mag-asawang Tito at Helen Gamboa, tungkol sa pag­laban ni Senator Kiko sa ama n’ya. 

Pa­ha­yag ni Ciara, ”I cried because I am so hurt and disappointed.

“It made me feel that my parents were of no value after all. Ate [Sharon] has always been considered and treated like a daughter by my dad and especially my mom.”

Habang isinusulat namin ito, wala pa kaming nauulinigang reaction ni Sharon tungkol sa election battle nina Tito at Kiko. 

Sinabi ni Sharon na ang dahilan ng pagpunta n’ya sa Amerika ay para dalawin sa New York ang panganay nila ni Kiko na si Frankie Pangilinan na roon nagkokolehiyo. Posible kayang bago pa lang umalis si Sharon ay alam na n’yang kakandidatong vice president ni Leni ang mister n’ya? 

About Danny Vibas

Check Also

Mia Japson Hajji Alejandro Rachel Alejandro Gino Padilla

Mia Japson dream come true makasama sa concert sina Haji, Rachel, at Gino

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa baguhang singer na si Mia Japson ang makasama sa …

James Reid

Paghuhubad ni James inaabangan

MATABILni John Fontanilla KINAGILIWAN ng publiko ang naging pahayag ni James Reid na dahil sa sobrang init …

Ladine Roxas Kris Lawrence Vehnee Saturno

Ladine  at Kris mapanakit may hugot ang bagong kanta

MATABILni John Fontanilla NAGBABALIK-RECORDING scene ang Voice of Asia Grand Winner, International coach Ladine Roxas with the song Within with …

Andres Muhlach Family

Andres itinangging mama’s boy, super love lang si Charlene 

MATABILni John Fontanilla MARIING pinabulaanan ng guwapong anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales-Muhlach na siAndres na hindi siya mama’s …

Belle Mariano Donny Pangilinan Donbelle

Belle magiging parte ng buhay si Caroline

MA at PAni Rommel Placente MIXED emotions ang nararamdaman ng magka-loveteam na Donny Pangilinan at Belle Mariano sa nalalapit …