Tuesday , December 3 2024

Kontrolado desisyon ni Duterte
BONG GO, PROBLEMA NG BAYAN – PARLADE

111621 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

ITINUTURING ni retired military general, pamosong red-tagger at presidential aspirant Antonio Parlade, Jr., na isa sa mga problema ng bayan ang isa pang presidential candidate na si Sen. Christopher “Bong” Go.

Sa panayam kay Parlade matapos maghain ng certificate of candidacy (COC) bilang presidential bet ng Katipunan ng Demokratikong Pilipino kapalit ni Antonio Valdez na iniatras ang kandidatura.

        “I cannot align with Senator Bong Go. I’m sorry but isa siya, kasama siya sa mga problema ng bayan natin,” tugon ni Parlade sa tanong ng media kung bakit niya tinapatan ang kandidatura ni Go.

Bahagi aniya ng problema ay ang pagkontrol ni Go sa mga desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Wala akong beef with Senator Bong Go. I just don’t like the way he does things including controlling the decisions of the President,” ani Parlade.

Common knowledge aniya sa hanay ng militar ang papel na ito ni Go.

        “I don’t want to elaborate on that but that’s very clear. You ask your people, you ask your constituents, you ask people in the government, you ask the AFP (Armed Forces of the Philippines) why,” giit niya.

“You ask the AFP, you ask the Philippine Army, you ask the Secretary of [the] National Defense,” dagdag ni Parlade.

Sa panayam sa The Chiefs sa OneNews, tumanggi si Parlade na idetalye ang mga pagkakataon na kinontrol ni Go ang mga desisyon ni Pangulong Duterte.

Ngunit ibinahagi niya ang naging obserbasyon sa nakalipas na limang taon sa AFP at ang pangangailangan na protektahan ang organisasyon sa impluwensiya ng politika.

“Sometimes nagkakaroon kami ng problema because of the outside. ‘Yun ang nagiging problema. I think , hindi lang kasi nagsasalita ang armed forces , ako retired na ako, I just share some of my observations in the last five years,” sabi niya.

“Talagang we still need to strengthen many of these systems in the organization. Sometimes kailangan talaga shielded na kami from partisan affairs and external intervention. Of course alam natin na may secretary of national defense na nag-o-oversee niyan, that’s understood. But you know kapag masyado nang malayo sa chain of command ang nakikialam, that’s not good, that’s not health for the organization. That’s my personal observation. You can do your interviews. Maybe anonymous magsasalita sa inyo ang armed forces,” dagdag niya.

Inihalimbawa niya ang procurement ng militar sa mga gamit para sa komunikasyon na isang naging problema dahil may nakialam.

“For instance sa communications. Service to service , hindi ma-perfect ng AFP ang sistema.  May mga procurement committees ‘yan, may mga researches kaming ginagawa, ito ang recommendation, this is what we need in order to continue previous procurement, previous platform that they had.  Suddenly may darating ibang platform. Tapos hindi magpangita ‘yung kanilang mga communications systems.  So those are some of the examples,” paglalahad ni Parlade.

Nangako siya na magbibigay ng detalye sa ibang mga pagkakataon.

Itinanggi ng AFP, ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at ni Go ang pahayag ni Parlade.


WALANG NAGDIDIKTA
AT NAGKOKONTROL SA PANGULO
— BONG GO

SINAGOT ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang paratang ni retired military general, pamosong red-tagger at presidential aspirant Antonio Parlade, Jr.,

na walang nagdidikta at nagkokontrol kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Go, ang desisyon ng Pangulo ay sarili niyang pasya at kanyang pinag-isipan nang ilang beses.

Ngunit aminado si Go, nagbibigay siya ng mga suhestiyon o payo sa Pangulo ngunit hindi niya tiyak kung ito ay pakikinggan.

Aniya, tulad ng ibang mga tagapayo o nagbibigay ng payo, nasa Pangulo pa rin ang desisyon sa huli at wala sa kahit sino.

Paliwanag ni Go, “ang isang payo kung sa tingin ng Pangulo ay makabubuti at nararapat para sa mga mamamayan at sa bansa bakit hindi pakinggan at sundin.”

“Nasagot na mismo ni Pangulong Duterte na walang nagkokontrol sa kanya. Siya mismo ang nagsabi na hindi naman siya magiging Pangulo kung pinapaikot lang siya ng ibang tao. Tanging siya ang gumagawa ng kanyang magagandang desisyon at tumutulong lang ako mula pa noon,” ani Go.

Isa sa tinukoy ni Go ang pagtaas ng suweldo ng uniformed personnel na nakabuti sa morale ng lahat ng kasapi ng AFP, PNP, BFP, BJMP at Coast Guard.

Sa huli ay tumangggi si Go na makipagsagutan kay Gen. Parlade dahil inirerespeto niya umano at katunayan ay isa rin siya sa nagrekomenda na maging Undersecretary ang heneral.

Naniniwala si Go na mainit na ang politika kung kaya’t ipinauubaya niya ang lahat sa taongbayan na siyang huhusga sa mga kandidato.

“Katulad nga ng sinasabi ko, mas kailangan nating tutukan ang pagtulong sa kapwa natin Filipino habang tayo ay unti-unting bumabangon mula sa krisis na ito,” dagdag ni Go. (NIÑO ACLAN)

About Rose Novenario

Check Also

Sara Duterte impeach

‘Impeach VP Sara’ inihain sa Kamara

ni GERRY BALDO  HABANG patuloy ang imbestigasyon ng Kamara de Representantes sa sinabing ilegal na …

Krystall Herbal Oil

Nangangaliskis na skin pinakinis ng krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Neri Naig

Neri sobrang na-stress nagpadala sa ospital

PANSAMANTALANG inilabas ng Pasay City Jail si Neri Naig at dinala siya sa ospital dahil sa kahilingan …

Robert Ace Barbers Jaime B Santiago

Naninira, nagkakalat ng kasinungalingan
BAYARANG VLOGGERS LABAN SA QUAD COMM IPINATUTUGIS SA NBI

ni GERRY BALDO  SINASALO man ng House Quad Committee ang mga banat sa kanila, hindi …

Richard Bachmann PSC BIMP-EAGA friendship games

Sports para sa pagkakaisa

SA KABILA ng maulang panahon, nagbigay ng makulay at masayang kapaligiran ang parada ng mga …