Wednesday , June 18 2025
Rodrigo Duterte, Bong Go, Manny Pacquiao, Alan Peter Cayetano

Duterte, Pacquiao bati na

NAGKABATI na sina Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Emmanuel “Manny” Pacquiao matapos ang ilang panahong iringan sa loob ng administration party, PDP-Laban.

Tinawag na ‘renewal of friendship’ ang naging pulong ng dalawa na naganap sa Palasyo kamakalawa ng gabi.

“We confirm that Senator Emmanuel “Manny” Pacquiao met President Rodrigo Roa Duterte last night, November 9. It was a short and cordial meeting requested by the camp of the good Senator.  Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go was also in attendance. There was no talk of politics but a renewal of friendship,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque sa isang kalatas.

Ang meeting aniya ng dalawang lider mula sa Mindanao ay may kinalaman sa kapakanan ng mga mamamayan sa rehiyon lalo sa aspekto ng impraestrutktura at power industry.

        “More importantly, it was a meeting between two national leaders from Mindanao, who discussed certain  matters related to people’s concern in their area, specifically in the infrastructure and power industry,” ani Roque.

Matatandaang pinatalsik si Pacquiao bilang presidente ng PDP-Laban at pinalitan ni Energy Secretary Alfonso Cusi sa basbas ni Pangulong Duterte na chairman ng partido.

Nauna rito’y inakusahan ni Pacquiao na tatlong beses na mas tiwali ang gobyernong Duterte sa mga nakalipas na adminsitrsyon at binatikos din ang pagkiling ng Pangulo sa China.

Nang opisyal na ihayag ni Pacquiao ang 2022 presidential bid ay binansagan siya ni dating Sen. Antonio Trillanes IV na enabler o tagapagtaguyod ni Duterte. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Erwin Tulfo DRT Bulacan FEAT

Incoming Senator Erwin Tulfo nag-inspeksiyon sa DRT, Bulacan

NAG-INSPEKSIYON nitong nakaraang 9 Hunyo si incoming Senator Erwin Tulfo sa isang lugar sa Doña …

Gun poinnt

Sa Araw ng mga Ama
HOUSE COMMITTEE DIRECTOR ITINUMBA SA B-DAY NG ANAK

ni ALMAR DANGUILAN HINDI nakaligtas sa kamatayan ang Director ng House ways and means committee …

BARMM Rice Bigas

P680-M biniling bigas ng BARMM pinaiimbestigahan

PINAIIMBESTIGAHAN ng ilang mamamayan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang sinabing pagbili …

Container van nahulog sa trailer truck Taxi napipi Abad Santos Ave

Tumama sa ilalim ng footbridge
Container van nahulog sa trailer truck taxi nadaganan
Tumaas na aspalto sinisi

MATINDING pinsala ang inabot ng isang taxi matapos madaganan ng container van na nahulog mula …

Supported by KBP and PAPI Leadership · Aligned with DOLE Dept. Order No. 73-05
TBpeople Philippines Expands “TB in the Workplace” Series to DENR Region 4A.

TBpeople Philippines, in partnership with Ayala Malls and with the full support of the Kapisanan …