Wednesday , January 15 2025
Rodrigo Duterte, Bong Go, Antonio Parlade Jr

Walang nagdidikta at nagkokontrol sa pangulo — Bong Go

SINAGOT ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang paratang ni retired military general, pamosong red-tagger at presidential aspirant Antonio Parlade, Jr.,

na walang nagdidikta at nagkokontrol kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Go, ang desisyon ng Pangulo ay sarili niyang pasya at kanyang pinag-isipan nang ilang beses.

Ngunit aminado si Go, nagbibigay siya ng mga suhestiyon o payo sa Pangulo ngunit hindi niya tiyak kung ito ay pakikinggan.

Aniya, tulad ng ibang mga tagapayo o nagbibigay ng payo, nasa Pangulo pa rin ang desisyon sa huli at wala sa kahit sino.

Paliwanag ni Go, “ang isang payo kung sa tingin ng Pangulo ay makabubuti at nararapat para sa mga mamamayan at sa bansa bakit hindi pakinggan at sundin.”

“Nasagot na mismo ni Pangulong Duterte na walang nagkokontrol sa kanya. Siya mismo ang nagsabi na hindi naman siya magiging Pangulo kung pinapaikot lang siya ng ibang tao. Tanging siya ang gumagawa ng kanyang magagandang desisyon at tumutulong lang ako mula pa noon,” ani Go.

Isa sa tinukoy ni Go ang pagtaas ng suweldo ng uniformed personnel na nakabuti sa morale ng lahat ng kasapi ng AFP, PNP, BFP, BJMP at Coast Guard.

Sa huli ay tumangggi si Go na makipagsagutan kay Gen. Parlade dahil inirerespeto niya umano at katunayan ay isa rin siya sa nagrekomenda na maging Undersecretary ang heneral.

Naniniwala si Go na mainit na ang politika kung kaya’t ipinauubaya niya ang lahat sa taongbayan na siyang huhusga sa mga kandidato.

“Katulad nga ng sinasabi ko, mas kailangan nating tutukan ang pagtulong sa kapwa natin Filipino habang tayo ay unti-unting bumabangon mula sa krisis na ito,” dagdag ni Go. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Raffy Tulfo George Royeca Angkas

Non-pro riders pinabayaan  
TULFO KINASTIGO CEO NG ANGKAS

KINASTIGO ni Senate committee on public services chairman Raffy Tulfo si Angkas CEO George Royeca …

Lumagui, pinuri ang BIR staff sa pagkamit sa kanilang 2024 collection target

Lumagui, pinuri ang BIR staff sa pagkamit sa kanilang 2024 collection target

Ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay nakamit ang isang makasaysayang tagumpay sa pamamagitan ng …

Palawan Gold

Mamuhunan ngayong 2025 sa Palawan Gold

PARA masiguro ang financial freedom at maaliwalas na kinabukasan, isang malaking desisyon ang mamuhunan sa …

gun checkpoint

2 OEC violators sa Bulacan timbog

INARESTO ng pulisya ang dalawang indibiduwal na lumabag sa Omnibus Election Code (OEC) sa isinagawang …

Mula sa bagong hepe ng PRO3 Election security pinalakas, sabay-sabay na checkpoints inilunsad sa Central Luzon

Mula sa bagong hepe ng PRO3
Election security pinalakas, sabay-sabay na checkpoints inilunsad sa Central Luzon

UPANG matiyak ang mas mataas na seguridad sa pagsisimula ng panahon ng halalan para sa …