Dingdong Dantes isinusulong matalinong paggamit ng enerhiya gamit ang mga AI solar solution
PATULOY ang pagtaas ng interes ng mga Filipino sa solar systems, solar panels, solar batteries, power stations, at iba pang solar energy solutions bilang praktikal na alternatibo sa tumataas na singil sa koryente at madalas na power interruptions.
Bilang tugon sa lumalaking pangangailangan, pinalalawak ng MARSTEK Philippines ang access sa mga makabagong AI-powered solar energy solutions, intelligent energy storage systems, at maaasahang backup power technologies para sa mga tahanan at negosyo sa buong bansa.
Isa sa pangunahing produkto nito ang MARSTEK VENUS E, isang all-in-one, plug-and-play energy storage system na maaaring ikonekta sa solar panels para sa mas mahusay na pamamahala ng konsumo ng koryente at backup power. Mayroon itong Manual, Self-Consumption, at AI operating modes, na nagbibigay-daan sa mga gumagamit na mano-mano o awtomatikong kontrolin ang pag-charge, pag-iimbak, at paggamit ng enerhiya.
Patuloy ding pinalalakas ng Marstek Philippines ang network nito ng mga awtorisadong distributor sa iba’t ibang bahagi ng bansa para matiyak na may sapat na product consultation, technical support, at installation assistance ang kanilang mga customer.
Sa pangunguna ng opisyal nitong brand ambassador na si Dingdong Dantes, layunin nito na palawakin ang kamalayan ng mga Filipino tungkol sa kahalagahan ng energy preparedness, mas matalinong paggamit ng koryente, at mga makabagong solusyon sa enerhiya.
Kilala bilang Europe’s No. 1 AI solar energy brand, dinadala ngayon ng Marstek ang world-class nitong smart energy technology sa mas maraming Filipino.