Rabin at Angela dadaan muli sa maraming pagsubok at luha

Rabin Angeles Angela Muji Zeke Polina Ethan David

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

SIMULA noong ipalabas sa Viva One ang adaptation ng Wattpad novel ni Beeyotch na Dating Alys Perez, linggo-linggo nang pinakilig, pinakaba, at pinaiyak ng seryeng ito ang mga manonood. Matinding emotional roller coaster ang pinagdaanan ng fans nina Rabin Angeles at Angela Muji(RabGel), pero wala nang bitawan ito.

Masasabing in a happy relationship si Alys Perez (Angela) kay Tripp Palma (Zeke Polina), pinsan ng kanyang ex-boyfriend na si Drake Palma (Rabin). Panatag ang loob ni Alys sa piling ni Drake kaya napapaisip na rin siyang magpakasal dito. Pero nagbalik na naman si Drake sa buhay niya.

Pinaniwala ni Drake si Alys na ikakasal na siya kay Christine (Julienne Rosello), at kinuha pa nila ang serbisyo ni Alys para gawin ang kanilang wedding cake. Ang totoo, palabas lang ito para muli siyang mapalapit kay Alys. Sa isang eksena, matapang niyang sinabi kay Alys na makipagbalikan na ito sa kanya habang nasa New York si Tripp.

Naninindigan naman si Alys na hinding-hindi na siya muling mai-inlove kay Drake. Sa isa sa mga pinaka-emosyonal  na eksena ng serye, binitiwan niya ang masasakit na salitang “Loving you was a mistake.”

At ngayon, umabot na ng midseason ang Dating Alys Perez, dala ang mas maraming pagsubok at luha, tulad ng pagiging comatose ng isang karakter. Tiyak punompuno na naman ng feels ang bawat episode.

Sa isang pasilip sa susunod na episode, kinutya ni Drake si Tripp sa isang tanong: “Sigurado ka bang masaya si Alys sa ‘yo?”

Ipinakikita nito ang pagka-desperado ni Drake, pero kung iisipin, may kakabit itong mahalagang tanong: Sa gitna ng lahat ng labanan para sa pag-ibig, sino o ano ba talaga ang makapagpapasaya kay Alys Perez sa huli?

Idinirehe ng award-winning director na si Crisanto B. Aquino (My Future YouA Werewolf Boy, Seducing Drake Palma), lalong gumaling sina Angels, Rabin, at Zeke sa pagganap ng kanilang mga karakter. Bumuhos ang papuri ng fans sa kanilang husay, at naging trending pa sa Tiktok ang isang confrontation scene nina Alys at Drake dahil sa paggamit ng mga user ng audio clip nito sa kanilang mga sariling video.

Sa YouTube, marami rin ang nag-iwan ng positibong komento sa pag-arte ni Polina sa video na Tripp’s Heart Is Breaking Too na ibinuhos ni Zeke ang hinanakit niya kay Alys nang ipagtapat nito ang planong proposal ni Drake sa kanya. Tagos sa puso ang kanyang linya na, “Alam ko mahal mo ako, lagi mo sa aking sinasabi. Pero tapatin mo ako, ako lang ba ang mahal mo?” na sinundan pa ng isang madiing sigaw: “Sagot!”  Isang fan ang nag-komento, “I was about to cry, his acting is peak. Love you, Zeke.”

‘Wag palampasin ang natitirang episodes ng Dating Alys Perez sa Viva One hanggang August.