Sunday , May 19 2024
Katrina Velarde, Suklay Diva, Michael Adam Shapiro

‘Musical director’ ni ‘Suklay Diva’ natagpuang naaagnas sa condo

NAAAGNAS nang matagpuan ang bangkay ng isang American Citizen na sinabing musical director at mister ng kilalang singer sa loob ng condo unit nito sa Quezon City, nitong Linggo ng hapon.

Ang biktima ay kinilalang si Michael Adam Shapiro, 58, American Citizen, entertainer at residente sa Unit 3015 Zinnia Tower na matatagpuan sa Brgy. Katipunan, Quezon City. Siya ay asawa ni Katrina Velarde, ang singer na tinaguriang ‘Suklay Diva.’

Sa report ng Criminal Investigation and Detection unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 2:45 pm nitong 14 Nobyembre, araw ng Linggo, nang madiskubre ang nakabigting katawan ng biktima sa loob ng kaniyang silid sa kanilang condo unit.

Batay sa imbestigasyon ni P/SSgt. Anthony Tejerero ng CIDU, bago ang insidente ay kinausap umano ang biktima ng kaniyang misis na si Katrina dahil plano nitong maghain ng annulment case dahil sa sakit na depression ng lalaki. Ang biktima at si Katrina ay ikinasal nitong Mayo 2021 sa Tagaytay City.

Bago ang kasal noong Mayo 2021, naudlot ang kasal nina Katrina at Mike na dapat ay noong Hulyo 2020 pa ngunit naurong dahil sa coronavirus pandemic.

Nitong 14 Nobyembre, matapos magsabi na maghahain siya ng annulment case ay umalis si Katrina, bumalik siya sa condo unit nilang mag-asawa upang kunin ang kaniyang mga gamit, kasama ang kaibigan na kinilalang isang Maria Rosalie, para ilipat sa ibang unit sa nasabing tower.

Ngunit pagbukas ng pinto ng condo ay umalingasaw ang masansang na amoy sa loob at nang puntahan ni Katrina ang silid ng mister, bumungad sa kaniya ang nakabulagtang asawa na may nakapulupot na microphone cord sa leeg.

Nakasamsam ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) Team sa pamumuno ni P/Maj. Jospeh Infante ng safety box na umano’y naglalaman ng suicide note pero hindi idinetalye ang nilalaman ng sulat dahil isasailalim pa ito sa pagsusuri.

Si Katrina Velarde ay isang singer, performer at actress na tinaguriang “Suklay Diva.” Siya ay naging bahagi ng grupong New Born Divas na nakipagpaligsahan sa second season ng Talentadong Pinoy noong 2012.

        Sumali rin siya sa first season ng The X Factor Philippines at naging bahagi ng girl group na A.K.A. J.A.M. sa ilalim ng Gary Valenciano’s team. Ang kaniyang bagong awitin ay may titulong “Sa Panaginip.”

Samantala, isang respetadong American musician si Mike na nakatrabaho ang mga sikat na personalidad gaya nina Justin Timberlake, Black Eyed Peas, at ang late singer na si Natalie Cole.

Si Gary Valenciano ang sinabing tulay upang magkakilala sina Katrina at Mike. Kaibigan ni Mr. Pure Energy si Mike.

Si Mike ang kinukuhang drummer ni Gary sa kanyang U.S. tour habang si Katrina ay madalas na guest ni Gary kapag may mga concert siya sa Amerika.

Nagpasya si Mike na manirahan sa Filipinas nang magkaroon ng relasyon ang dalawa.

“‘Yung puso niya kasi malapit talaga sa Filipinas, kaya hindi nahirapan si Mike na mag-decide na dito na lang siya sa atin. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

DOST 1 Champions Full-Scale Disaster Readiness Training Across all Provinces in Region 1

DOST 1 Champions Full-Scale Disaster Readiness Training Across all Provinces in Region 1

Under the leadership of Dr. Teresita A. Tabaog, Department of Science and Technology Region 1 …

FTSFI 8th Kasalan sa SM 1

SM Group unites 16 couples in mass wedding

On May 15, 2024, 16 couples exchanged vows at the 8th Kasalan sa SM, an …

Most wanted sa Laguna arestado sa manhunt ops

Most wanted sa Laguna arestado sa manhunt ops

Camp BGen Paciano Rizal – Arestado ang most wanted person ng CALABARZON sa manhunt operation …

Daniel Fernando Guiguinto, Bulacan Fire Sunog

Nasunugan sa Guiguinto
GOV. FERNANDO, NAGHATID NG TULONG SA 51 PAMILYANG BIKTIMA NG SUNOG

INIHATID ni Gobernador Daniel R. Fernando ang pinansiyal na tulong at emergency relief items sa …

Telco fraudster, timbog sa NAIA

ARESTADO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) agents sa Ninoy Aquino International Airport …