SA GITNA ng malawak na haka-haka kung tatakbo si Davao Mayor Sara Duterte-Carpio sa pambansang posisyon, sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda, walang ibang susungkitin ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte kundi ang pagkapresidente.
Sa panayam sa telebisyon, sinabi ni Salceda na walang option si Sara kung hindi ang pagtakbo bilang presidente.
Sinabi ni Salceda, madalas silang mag-usap ni Sara pero hindi napag-uusapan kung ano ang tatakbuhan niya.
“May presumption kami na she is running for president,” ani Salceda.
“There is no VP (vice president) option for her, “ dagdag pa niya.
Ang kumakalat na tsismis na, umano’y magiging Bise si Sara ni dating Senador Bong Bong Marcos ay espekulasyon lamang.
“Definitely that’s all speculation, because she’s running for president,” ayon kay Salceda.
“All these political gyrations shows that she’s running for president,” aniya.
Paliwanag ni Salceda na halos araw-araw silang nag-uusap ni Sara at hindi pa niya nakita na tatakbo ito sa bilang bise presidente.
Anang kongresista ng Albay, maglalabas ng anunsiyo si Sara sa darating na Lunes.
Ipinaliwanag din ni Salceda na ang pagtakbo ni Sara sa pagka-presidente ay matagal nang pinag-isipan at nagkaroon lamang ng “stumbling blocks.”
Aniya, nagsumite na sana si Sara ng certificate of candidacy (COC) sa pagka-presidente noong Mayo kung walang mga balakid partikular sa political parties. (GERRY BALDO)