Thursday , June 1 2023
Bongbong Marcos El Niño Hot Temp

El Niño info campaign, ilunsad — FM, Jr.

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng kinauukulang ahensya ng gobyerno para sa isang public information campaign na magtuturo sa mga Filipino sa El Niño, ayon sa Malacañang kahapon.

Ang naturang hakbang ay naglalayong itaas ang kamalayan sa kasalukuyang sitwasyon ng El Niño, ayon kay FM Jr. sa isang sektoral na pagpupulong sa pagpapagaan sa mga epekto ng pattern ng klima.

“The said campaign aims to remind the people to conserve energy, save water and how to prevent the spread of dengue which becomes prevalent during El Niño due to water shortage,”ayon sa paskil sa Facebook ng state-run Radio Television Malacañang (RTVM).

Iginiit din ng Pangulo na dapat magkaroon ng mekanismo sa bawat ahensya ng gobyerno dahil nangyayari ang El Niño sa isang tiyak na panahon taun-taon sa buong Pilipinas.

Ang lahat ng kinauukulang ahensya ng gobyerno ay dapat maging handa at may standard procedure para sa pamamahala at pagtugon sa El Niño phenomenon, aniya pa.

“[FM Jr.] emphasizes that a timeline of water supply projects be provided so the areas that need water the most will be prioritized,” anang RTVM.

Iniulat ng mga ahensya ng estado ang 80 porsiyentong posibilidad ng El Niño sa panahon ng Hunyo-Hulyo-Agosto 2023, na tumitindi patungo sa unang quarter ng 2024.

Batay sa kasalukuyang mga kondisyon, karamihan sa mga modelo ay sumang-ayon sa mahina hanggang sa katamtamang El Niño hanggang sa unang quarter ng 2024.

Dumalo sa pagpupulong ang mga opisyal mula sa Department of Science and Technology, Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, National Disaster Risk Reduction and Management Council, Department of Environment and Natural Resources, at Department of Energy. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …

Perjury

Testimonya, binawi ng saksi
MAS MABIGAT NA PARUSA SA PERJURY NAPAPANAHON NA — SENADOR

NANAWAGAN si Senador Alan Peter “Compañero” S. Cayetano nang mas mabigat na parusa laban sa perjury, …

Money Bagman

Maharlika Investment Fund   MIF SENATE VERSION ‘DI SUPORTADO NI SUPER ATE, 2 PA

HINDI suportado ng isang daang porsyento nina  Super Ate ng Pangulo na si Senadora Imee Marcos, …

Bato dela Rosa AFAD

Dela Rosa nanawagan para sa responsableng pagmamay-ari ng baril

ANG paglago at pag-unlad ng industriya ng paggawa ng  baril ay nakasalalay sa paglaki ng …