Wednesday , February 28 2024
Ping Lacson, PH Flag, PAG-ASA

‘Atin ito!’
PH FLAG ITINAAS NI PING SA PAG-ASA

112221 Hataw Frontpage

HATAW News Team

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan — Pinangunahan ni Reporma chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson ang pagtataas ng watawat ng Filipinas sa Pag-asa Island, bahagi ng Spratlys archipelago na inaangkin ng China, ngayong Sabado, 20 Nobyembre, upang ipakita ang soberanya ng bansa sa ating teritoryo.

“Nagkaroon tayo ng flag-raising dahil mayroon tayong dalang bagong flag. ‘Yun pong flag na nandoon sa munisipyo ay napalitan na po natin ng bago. Pangalawa, another high point, pinuntahan natin ‘yung area kung saan kitang-kita with your own eyes ‘yung mga barko ng Chinese Coast Guard tapos ‘yung mga Chinese fishing vessel na nandoon na nakapaligid lang,” ayon kay Partido Reporma spokesperson Ashley “Ace” Acedillo.

Bumisita si Lacson sa Pag-asa Island lulan ng private plane galing Maynila, dala ang bagong watawat ng Filipinas na itinaas niya sa isla bilang simbolo ng kanyang pakikiisa sa mga naninirahang Filipino roon. Hindi agad isinapubliko ang pagbisitang ito para sa seguridad.

Sa paglapag sa Antonio Bautista Air Base para sa stopover, sinalubong si Lacson ng ilang opisyal mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command (WesCom) na nakabase sa probinsiya.

Umalis si Lacson sa mainland ng Palawan dakong 8:00 am at nagtungo sa Pag-asa Island sakay ng private Pilatus aircraft, kasama si Partido Reporma president at former House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez, at secretary-general na si Davao del Norte Gov. Edwin Jubahib.

Kasama sa pagbisita si Partido Reporma senatorial candidate at dating Philippine National Police chief Guillermo Eleazar, spokesperson Ashley “Ace” Acedillo, gayondin si dating Interior Secretary and National Unity Party chairman Ronaldo Puno.

Dakong 9:10 am nang dumating si Lacson sa isla, agad niyang pinangunahan ang flag raising ceremony kasama ang pag-awit ng Lupang Hinirang. Tatlong bandila ng Filipinas ang itinaas ng presidential aspirant, ayon kay Partido Reporma spokesman Acedillo.

Pagkatapos nito, nagtungo sila sa komunidad ng mga residente at mangingisda para personal na makausap kaugnay ng kanilang kalagayan, saloobin, at nararanasan sa West Philippine Sea (WPS). Tinatayang nasa 193 sibilyan ang naninirahan sa barangay sa Pag-asa island, ayon sa datos ng 2020 census.

Tumaas muli ang tensiyon sa WPS nang harangin ng mga Chinese Coast Guard at ginamitan ng water cannon ang mga barkong magdadala ng supply sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Mariing kinondena ni Lacson at running mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang muling pagtaboy sa mga barko ng Filipinas sa loob ng exclusive economic zone nito.

“Sarili na nga nating teritoryo, tayo pa ‘yung tinataboy, wina-water cannon. Napakasamang pangitain ‘yon,” giit ni Lacson sa kanyang pulong sa mga mamamahayag nitong Huwebes. 

Nagpunta si Lacson sa Pag-asa Island, 225 kilometro mula sa Ayungin Shoal, para personal na humingi ng update mula sa AFP WesCom tungkol sa sitwasyon ng seguridad ng teritorya ng Filipinas, kaugnay ng kanyang tungkulin bilang chairman ng Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation.

Bahagi ito ng kanyang pangako na malalim na pag-aaralan ang isyu sa WPS at makakuha ng impormasyon mula sa mga mapagkakatiwalaang source para makalikha ng mas maayos na plano at solusyon na makareresolba sa isyu hinggil sa teritoryo ng bansa.

Dagdag sa mga plano ng tambalan nina Lacson at Sotto para maprotektahan ang WPS ang pagkakaroon ng “balance of power” sa pagitan ng iba’t ibang bansa, na nakapanig sa ating mga layunin.

Ang Pag-asa island ang pangalawang pinakamalaking isla sa pinag-aagawang Spratlys archipelago na kabilang sa teritoryo ng Filipinas.

Matatagpuan ito 480 kilometro sa kanluran ng Puerto Princesa City at nasa hurisdiksyon ng munisipalidad ng Kalayaan, Palawan.

Ang Kalayaan Group of Islands ay idineklarang teritoryo ng Filipinas sa bisa ng Republic Act 9522, o “An Act to Define the Baselines of the Territorial Sea of the Philippines” noong 2009, alinsunod sa Article 121 ng United Nations Convention on Law of the Sea (UNCLOS).

About hataw tabloid

Check Also

Mr DIY Team Kramer 500 1

Team Kramer Joins MR.DIY in Celebrating 500th Store Milestone in Panglao, Bohol

MR.DIY Philippines CEO Roselle Andaya, alongside Doug and Cheska Kramer, jointly pressed the button to …

SM Foundation farmer 1

From passion to prosperity
SM Foundation farmer-beneficiary now an agripreneur, draws inspiration from Henry Sy, Sr.

KSK alumna Virgie with some of her mushroom chicharon products Gone are the days when …

Buddy Encarnado NCRAA

Bago, talentadong local cager target sa NCRAA 30th Season

HANGAD ni General Manager Buddy Encarnado, dating PBA chairman at team governor ng Sta. Lucia, …

Krystall Herbal Oil

Insekto at kulubot pinatalbog ng krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Good morning …

April Aguilar Brgy Pilar Las Piñas

VM Aguilar pinangunahan ang pagtulong sa mga nasunugan sa Brgy. Pilar

PINANGUNAHAN ni Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar ang pamamahagi ng tulong sa mga …