Monday , November 29 2021
Gabby Concepcion, Genevieve Gonzales, Samantha Concepcion, Savannah Concepcion, Garrie Concepcion, KC Concepcion, Chloe Syquia Skarne

KC hanap ang lalaking makapamilya tulad ni Gabby

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

SABI ng Ingliserang si KC Concepcion sa latest vlog n’ya, “So, five years from now, I definitely wanna be with my person… I definitely wanna still be having a lot of fun, probably living outside of the Philippines. But also coming home.

“And I’d love to have a beach house by then, so that we can all just enjoy life together.”

Ang nagtanong sa kanya ay ang kapatid na si Samantha, 13, anak ni Gabby sa asawa nitong si Genevieve Gonzales. Ang kanilang bunsong anak ay si Savannah, 9.

Ayon kay KC, gusto niyang mapanatili ang closeness niya kina Samantha at Savannah.

“I definitely still want to be so close to you. I want you to be able to see me as your best friend—one of your best friends, who, if you need me, you wanna go to an adventure, you just call,” sabi ni KC sa nakababatang kapatid.

Tinanong ni Samantha ang kanyang Ate KC kung anong ugali ng kanilang ama na gusto ni KC para sa kanyang future husband.

Sagot ni KC, “Papa is always all about the girls, all about his family, all about us. And he’s so sweet to us, like, he’s so sweet to you.

“I saw how he took care of you… gave you a bath and Savannah.”

Dugtong ni KC, “It would be really nice to have that in my future husband—to have somebody that’s just as cool, and loving, and sweet as Papa.”

Dagdag pa n’ya na parang parunggit sa kanyang inang si Sharon Cuneta“And you know he has a lot of friends, right?

“But when it comes to us, for some reason, it’s like he really would go to the ends of the earth for us.”

Ang importanteng turo naman ni Gabby sa mga anak niya ay maging mapagmahal sa pamilya.

Ani KC, “Papa always teaches me never forget about family, and even if we don’t see each other a lot, we’re supposed to be here for each other as sisters.

“He always reminded me of my sisters.”

Si KC ay may dalawa pang kapatid sa amang si Gabby: sina Garrie Concepcion, anak ni Gabby sa dating karelasyong si Grace Ibuna at si Chloe Syquia Skarne, anak ng former matinee idol sa dating asawang si Jenny Syquia.

About Danny Vibas

Check Also

Angel Locsin

Angel bumweltasa basher: Huy wag kang mag imbento ng issue para may pagtakpan

MA AT PAni Rommel Placente NAG-POST si Angel Locsin ng kanyangreaksiyonsa Instagram post ng ABS-CBN  …

Cassy Legaspi

Cassy nagbabala, Facebook account na-hack

MA AT PAni Rommel Placente BIKTIMA narin ng hacker si Cassy Legaspi. Angkanyang Facebook account …

Kylie Padilla Robin Padilla

Puso ni Robin nakurot sa sulat ni Kylie

KITANG-KITA KOni Danny Vibas NAKABIBILIB ang linaw ng isipan at damdamin ni Kylie Padilla sa …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine pa-mysterious na ang lovelife

KITANG-KITA KOni Danny Vibas MUKHANG naghahanda na si Nadine Lustre na tahasang ipinakilala sa madla …

Bela Padilla London

Bela sa London na maninirahan

I-FLEXni Jun Nardo TULUYAN nang lumayas sa Pilipinas si Bela Padilla para para manirahan sa …

Leave a Reply