Thursday , June 4 2026

Pacman, De Lima absent sa Senate orientation

HINDI nakadalo ang ilang baguhang senador sa ‘orientation’ kahapon sa Senado.

Kabilang sa hindi nakadalo sina Senators-elect Leila de Lima at Manny Pacquiao.

Sinasabing may prior commitment ang dalawang opisyal kaya hindi nakarating sa mahalagang aktibidad sa mataas na kapulungan ng Kongreso.

Habang humarap sa aktibidad sina Senators-elect Risa Hontiveros, Sherwin Gatchalian at Joel Villanueva.

Kasama rin nila ang kani-kanilang mga tauhan na aakto bilang katuwang sa mga trabaho sa Senado.

Bagama’t may karanasan na ang tatlo sa paggawa ng batas sa Kamara, mahalagang mabigyan din sila ng ideya sa prosesong umiiral sa mataas na kapulungan.

Sa naturang orientation, nagbigay ng briefing ang Senate secretariat sa incoming senators sa magiging trabaho nila at maging ng kanilang legislative staff.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …