Thursday , June 4 2026

2 patay, 4 sugatan sa barilan sa Masbate

NAGA CITY – Patay ang dalawa katao habang sugatan ang apat iba pa sa barilan sa Brgy. San Andres, Balud, Masbate kamakalawa.

Kinilala ang mga namatay na sina Joel Catalan, 27, at ang isa sa limang mga suspek na si Darie Dalinog, 28-anyos.

Sugatan sa insidente ang mga biktimang sina Jesus Catalan, Jessie Astorias at Azer Villalobos. Sugatan din ang isa sa mga suspek na si Nilo Delfin.

Napag-alaman, habang nakikipaglamay si Catalan kasama sina Jesus Calatan, Astorias at Villalobos nang dumating ang mga suspek na sina Dalinog, Nilo Delfin at tatlong iba pa.

Sa hindi malamang dahilan, bigla na lang pinagbabaril ng mga suspek ang grupo ng mga biktima na naging dahilan nang agarang pagkamatay ni Joel Catalan habang sugatan ang kanyang mga kasamahan.

Samantala, tatakas na sana ang mga suspek nang biglang bumunot ng baril si Jesus Catalan at gumanti sa mga suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …