Thursday , June 4 2026

9 bebot nasagip sa Parañaque bar

NASAGIP ang siyam na babaeng hinihinalang biktima ng human trafficking, sa entrapment operation ng NBI sa isang bar sa Parañaque City kamakalawa.

Pinasok ng mga tauhan ng NBI ang isang bar sa Sucat Road makaraan ang dalawang buwan pagmamanman sa lugar nang makatanggap ng impormasyon na lungga ito ng prostitusyon.

“Na-determine namin na positive, may prostitution. Nag-o-offer sila ng babae for sex kaya nagkaroon ng entrapment operation,” ayon kay Atty. Bernard dela Cruz, executive officer ng NBI.

Nang may maganap na bayaran sa alok na pakikipagtalik, dito na sinimulan ng NBI ang operasyon.

Tumambad sa kanila ang mga babae na halos walang saplot. Ang ilan ay nagtangka pang magtago ngunit naabutan din.

Isang lalaki ang naabutan sa loob ng bar ngunit tumangging may kinalaman siya sa kalakaran doon.

Ngunit ilang saglit lang, biglang nawala ang lalaki. Nagpaalam siyang gagamit ng banyo ngunit hindi na lumabas.

Hinihinalang sa isang puwang sa kisame ng banyo dumaan ang lalaki para tumakas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …