Friday , December 27 2024

Mind-conditioning nag-umpisa na – ABAKADA Rep (Sa eleksiyon)

ISANG party-list congressman ang nagpahayag ngayon ng pangamba na nag-umpisa na ang puspusang mind-conditioning sa surveys upang palabasin na mananalo ang mga manok ng administrasyon sa halalan sa Mayo 9.

Sinabi ni Abakada Cong. Jonathan Dela Cruz ang pangamba matapos na maglabas ang Pulse Asia ng latest survey nitong Martes ng gabi na naunahan na ni dating DILG Secretary Mar Roxas si Senador Grace Poe sa pangalawang puwesto.

Sa parehong survey, ipinakita rin ng Pulse Asia na naungusan na rin ni Camarines Sur Cong. Leni Robredo si Senador Bongbong Marcos sa unang puwesto.

Ginawa ang survey, dalawang araw matapos ang naunang survey.

Ayon kay Dela Cruz, napaka-imposible na aakyat agad ang rating ng dalawang manok ng Liberal Party nang dalawa sa apat na puntos matapos ang dalawang araw.

Dahil dito, hindi na nakakapagtaka ani Dela Cruz kung sa final na survey, si Roxas na ay statistically tied na kay Davao Mayor Rodrigo Duterte sa unang puwesto at si Robredo naman ay malayo na ang agwat kay Marcos.

“Makikita na may grand conspiracy talaga na ikondisyon ang isip ng mga botante na ang mga kandidato ng Malacañang ay maaaring manalo sa halalan,” ani Dela Cruz.

Idinagdag ni Dela Cruz na maaaring “tip of the iceberg” lamang ang mga survey sa malawakang pandaraya sa araw mismo ng halalan. Hinimok din niya ang publiko na maging alerto at mapagmatyag sa Mayo 9 dahil ipinakita na ng administrasyon ang kakayahan na gamitin ang pera  ng gobyerno sa kanilang kampanya.

Aminado si Dela Cruz na mula umpisa ay may suspetsa sila na ginagamit ang resources at  pera  ng gobyerno upang ipangkampanya sina Roxas at Robredo.

Kinompirma ito ng bagong report ng Nielsen na sina Roxas at Robredo ang may pinakamalaking gastos sa advertising sa kampanya.

Ayon sa report ng Nielsen Media report, si Robredo ang may pinakamalaking gastos sa advertising placement sa gastos na P406.82 milyon mula lamang Pebrero 9 hanggang April 27. Naungusan pa nya si Roxas sa gastos.

“Kaya ang tanong ko ay saan galing ang pera nila para sa mga ads at suporta sa kampanya? Sino ang mga campaign donors nila? Gusto nila ng transparency pero sila ang may malaking tinatago,” ani Dela Cruz.

About Hataw News Team

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *