Sunday , November 16 2025
Carla Abellana

Carla sa kasal sa Disyembre 27: Sa akin manggagaling at ‘di sa iba

RATED R
ni Rommel Gonzales

ISA si Carla Abellana sa mga artistang kahit ano ang tanong ay kayang sagutin.

Tulad sa announcement ng Final 4 ng 51st Metro Manila Film Festival (MMFF) ay nausisa si Carla tungkol sa napapabalitang kasal niya sa isang doktor sa December 27, 2025.

“Kung totoo man po iyon o hindi, of course that’s part of my private life.

“I would like to keep it private. Sa dami naman po ng aking pinagdaanan na very publicized before, may choice naman po ako, kumbaga, kung ilalabas ko po ‘yun or hindi, if I want to keep it private.

“So, kung may kailangan man po akong sabihin, sa akin po manggagaling ‘yun ng diretso at hindi po sa iba,” pahayag ni Carla.

Kasama si Carla sa Shake, Rattle & Roll: Evil Origins na isa sa entries sa MMFF 2025 at dahil mahusay na aktres si Carla, malamang pasok siya sa mga nominado bilang Best Actress.

Dadalo ba siya kung sakali sa awards night ng MMFF 2025 na saktong sa December 27 idaraos?

“Aba, siyempre naman po! Bakit hindi?”

Iyon din ang napapabalitang date ng wedding niya.

Engaged na nga ba talaga siya?

I invoke my right to self-incrimination. So I refuse to say yes, I refuse to say no.”

Sobrang busy ba siya sa December?

Aniya, “Hindi po. Hindi po ako busy ng December. Naghahanap po ako ng trabaho.”

Siguradong todo ang promo nila para sa Shake, Rattle & Roll: Evil Origins na artista rin sina Ivana Alawi, Francine Diaz, Kaila Estrada, Fyang Smith, Loisa Andalio, Manilyn Reynes, Janice de Belen, Ysabel Ortega, Ashley Ortega, Elijah Alejo, Richard Gutierrez, Ryan Bang, JM Ibarra, Dustin Yu and Seth Fedelin, directed by Shugo Praico, Joey de Guzman and Ian Lorenos.

“Parang tatlo lang po yata ‘yung promo namin sa ‘Shake, Rattle & Roll.’ Bigyan niyo po akong trabaho, please.

“Please po, more work. Wala na pong pangkain ‘yung aking mga aso,” sinabi pa ni Carla.

“Wala na pong pambayad ng tax ko next week, PHP364,000, hindi ko po alam kung saan pupulutin iyong aking pambayad sa tax,” bulalas pa niya bilang isang law-abiding citizen.

Ang iba pang MMFF entries sa December 25 ay ang Call Me Mother starring Nadine Lustre and Vice Ganda, directed by Jun Robles LanaRekonek starring Gerald Anderson, Gloria Diaz, Alexa Miro, Carmina Villaroel, and Zoren Legaspi, directed by Jade CastroManila’s Finest starring Piolo Pascual, directed by Rae RedLove You So Bad (na collab ng ABS-CBN Films at GMA Pictures)starrring Pinoy Big Brother  alums Bianca de Vera, Dustin Yu and Will Ashley directed by Mae Cruz-Alviar.  

UnMarry nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo directed by Jeffrey JeturianBar Boys: After School nina Carlo Aquino, Kean Cipriano, Enzo Pineda, Klarisse de Guzman, Will Ashley directed by Kip Oebanda at ang I’mPerfect nina Sylvia Sanchez, Tonton Gutierrez, Joey Marquez, at Lorna Tolentino with newbies Krystel Go at Earl Amaba directed by Sigrid Andrea Bernardo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

AFAM Wives Club

AFAM Wives Club reality series ukol sa pag-ibig at makabagong Filipina

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKAIINTRIGA ang bagong handog ng iWant, katuwang ang Project 8 Projects, ang bagong reality …

Richard Gutierrez Ivana Alawi

Richard walang arte kahit dugyot ang hitsura; saludo kay Ivana

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PINUPURI ng karamihan ang pagiging propesyonal ni Richard Gutierrez pagdating sa tabaho. Mula …

MTRCB Lala Sotto

Chair Lala Sotto, pinangunahan ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINANGUNAHAN  ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa …

Stephan Estopia Kiray Celis

Kiray Celis, nilinaw nag-viral na photo sa Japan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NILINAW ng aktres-entrepreneur na si Kiray Celis ang nag-viral na …

Waynona Collings Princess Aliyah Reich Alim Fred Moser

Unang eviction night ng PBB Celebrity Collab Edition 2.0 ngayong Sabado na

RATED Rni Rommel Gonzales IPINAKILALA noong Linggo ang unang mga nominado ng Pinoy Big Brother Celebrity …