Saturday , November 8 2025
QCPD Quezon City

Bombay ninakawan ng halagang P2-M cash, valuables, ng 3 kawatan

MAHIGIT sa P2 milyong halaga ng cash, at iba pang mahahalagang ari-arian ang nakulimbat ng tatlong hindi kilalang mga kawatan na nanloob sa tahanan ng 45-anyos Indian national sa Quezon City noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si alyas Singh, 45, may asawa, Indian national, businessman, residente sa Haydin St., North Olympus Subdivision, Brgy. Kaligayahan, Quezon City.

Sa naantalang report sa Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), 8:00 ng gabi noong Biyernes, Oktubre 10, nang maganap ang insidente sa loob ng tahanan ng biktima.

Batay sa imbestigasyon ni P/SSg Wilbur S. Ramos, kadarating umano ng biktima, kasama ang isang kaibigang kinilalang si Gora nang sumulpot ang tatlong lalaki na sakay ng kulay itim na Yamaha NMAX at Blue Yamaha AEROX na mabilis na pumasok sa loob ng bahay.

Agad tinutukan ng baril ng mga suspek ang biktima at kasama nito saka mabilis na nilimas ang laptop na nagkakahalaga ng P30,000, mga alahas, cash na P900,000, Motorcycle Honda Click, at 7 cellphones saka tumakas.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Isko Moreno sewage treatment plant Manila Bay Sunset

Yorme Isko nagmungkahing ilipat sa CCP
PLANTA NG ‘EBAK’ SA ROXAS BLVD., BAHURA SA MANILA SUNSET VIEW

HINIKAYAT ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso and Department of Public Works and Highways …

Malabon Police PNP NPD

E-trike driver kulong sa rape

NALAMBAT ng Malabon City Police sa ikinasang manhunt operation ang nagtagong e-trike driver matapos isyuhan …

dead gun

Sa Sampaloc, Maynila
MIYEMBRO NG COAST GUARD TODAS SA BOGA NG KASUNTUKAN

BUMULAGTA ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek …

110625 Hataw Frontpage

Sa pananalasa ng bagyong Tino
UMAKYAT SA 98 BILANG NG PATAY SA CEBU

UMABOT na sa 98 ang bilang ng namatay sa lalawigan ng Cebu isang araw matapos …

NUJP PTFoMS

PTFoMS, iimbestigahan banta ni Patidongan laban sa TV reporter

MAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa sinabing pagbabanta ni …